Chapter 1

19.4K 423 48
                                    

11/14/18


RECKLESS
Chapter 1


2 months later...

Nagmamadali akong maglakad papunta sa next class nang makasalubong ko si Ran. Kasama ni Ran ang kakambal na si Keira na kabaligtaran ng ugali nito at si Blake na parang pancit canton ang buhok. As usual, iningusan na naman ako ni Keira bago ako lagpasan.

Akmang lalagpasan ko si Ran nang mahuli niya ang isa kong braso.

"Hey... are you alright?" Kunot-noo niyang tanong.

"Yes. Pero male-late na ako sa next exam ko. Mamaya nalang. Bye!"

But knowing Ran, hindi talaga niya ako hinahayaang maglakad na mag isa. Pero hindi lang naman niya sa akin iyon ginagawa kundi maging sa iba naming kaibigan. And when I said friends, iyon lang talagang ka-close.

"Okay na 'ko rito. Salamat sa paghatid." Pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko, his hands on his pocket as he looked down on me. Ang tangkad kasi. No wonder na indemand sila sa mundo ng fashion at modeling. I mean, iyong family business nila ay akmang-akma sa personalidad nilang lahat.

The Telpace Family isn't that big but their family is very well-known in the field of medicine, modeling and fashion designing.

Walang tapon sa pamilya nila. Kapag humilera na iyong mga lalaki, maglalaway ka nalang talaga at hindi ka makakapili ng basta-basta.

"Bakit na naman?" Buti nalang wala pa yung prof namin na panot. Ang higpit pa naman ng isang iyon. Palibhasa matandang binata.

"You don't look fine to me, Cara. You're pale. Did you even sleep? Ang laki ng eyebags mo." This time, he's frowning.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wow! Thank you sa panlalait, ha? Ikaw na gwapo at matalino. Di mo kasi nararamdaman ang nararamdaman namin na average – rather normal lang ang utak." Inirapan ko siya bago talikuran. Bakit kasi ang talino ilang magkakapatid? Lalo na iyong kuya nilang menopausal.

"I'll wait here."

Hindi ko nalang pinansin. Hindi naman iyon marunong makinig at over-protective pa. Dinaig pa niya ang mga kuya ko.

Pag-upo ko, ang mapanuring tingin agad ni Sarrah ang bumungad sa akin. Konti nalang talaga at isasalaksak ko na sa baga niya si Ran, eh.

"Hindi ka ba talaga nililigawan ni Kieran? As in hindi talaga?" Bulong niya.

"Alam mo, unli ka. Magbalat ka na nga lang ng patatas, Sarrah." Inirapan niya ako pero ngumiti rin kalaunan.

She's one of those girls who goes gaga over Ran. Di ko naman sila masisisi kasi once in my life, naging tulad din nila ako hanggang sa makilala ko si Mr. Pancit Canton.

"Cara, sabay na tayo mag-lunch?" Kalabit sa akin ni Sarrah pagtalikod ng prof namin.

Most of the girls here in our school only talk to me because they wanted to get close to Ran and his perks. Ran is nice so as the others but they don't talk much kapag mayroong iba na nakahalo sa amin.

Hindi ko nga alam kung paano nasama ang isang dukhang katulad ko grupo nila, eh. I mean, I am nobody compared to them. Scholar lang kaya ako ng mga Telpace and to think na average student lang naman ako kaya kailangan ko talagang sumubsob sa pag-aaral.

"May part time pa akong pupuntahan. Baka on the way na rin ako kumain. Next time nalang, Sarrah." I bid her goodbye before exiting the room.

True to his words, Kieran really waited for me. Agad siyang lumapit at kinuha g mga libro kong dala. He shoved it inside his bag like what he used to do then walks beside me.

RecklessWhere stories live. Discover now