Chapter 4

12.9K 416 46
                                    

12/5/18


RECKLESS
Chapter 4


Wala kaming kibuan ni Ran hanggang makarating sa school. He looks so serious like something big is bothering him. Ako naman, pinili kong manahimik dahil ayokong magtanong siya.

He is one of my closest friend and yet, I feel guilty because I can't tell him my problem. Siya kasi, halos wala ng ilihim. Ewan ko sa lalaking ito kung bakit sobrang open sa mga kaibigan niya. Well, except for his 'other' escapades, of course. Sa kanila nalang na mga lalaki iyon.

Mabilis akong umibis nang ihinto niya ang sasakyan pero hindi iyon natuloy dahil ni-lock niya ang pinto. I inhaled deeply before turning to face him. He's not looking at me, his left hand on the streering wheel and the other one is covering where the door lock is.

"Kieran,"

"Who is it, Cara?" His tone, calm but the expression on his face is telling me otherwise.

"Ano?" Kahit parang alam ko na kung ano ang tinatanong niya ay pinili ko pa rin na magtanga-tangahan. Tutal naman ay naging tanga na ako ng minsan, susulitin ko na.

Ilang taon na nga ba kaming magkakilala ni Ran? Four years? Hindi pa ganoon katagal pero halos kilalang kilala ko na siya. He's not usually like this. Iyong una at huling beses ko siyang nakitang ganito kaseryoso ay noong hinimatay ako habang nasa part time job ko. He scolded me, making me feel guilty on what I'm doing with myself. That was two years ago. Ngayon nalang ulit naulit.

Hinarap niya ako, leaving me no choice but to stared back at his bluish eyes. That eyes... I wonder kung makukuha ng baby ko. Ang lakas yata kasi ng dugo ng mga Telpace kasi silang apat na magkakapatid ay pawang mga asul ang mga mata. Pero pwede ring hindi dahil iyong ibang pinsan naman niya na anak ng kambal ng daddy nila ay hindi asul ang mata noong iba, it was brown... tila disyerto.

"You know what I'm asking, Cara." Hindi pa rin ako kumibo kaya nagpatuloy siya. "Bumalik ako kagabi and I overheard your conversation with your stepmother. Alam kong aalis ka sa inyo so I stayed hiding outside. I thought you'd call one of us but you never did and choose to stay in that unsafe place."

"It's safe." I whispered under my breath. "I'm fine, Ran. You don't need to worry about me."

Tinignan lang niya ako na parang sinasabi niyang walang kwenta iyong sinabi ko.

"Do you have a boyfriend?"

I almost roll my eyes on him. "Alam mong wala, tinatanong mo pa." Sabi ko nalang ng pabiro. The air between us is too thick. Nakaka-suffocate.

"Fuck! Who is it, Cara? Did someone take advantage on you?" Galit niyang tanong. His face turns red as his voice raised.

"Walang ganoon." Nag-iwas na ako ng tingin this time. Nanginginig rin ang mga kamay ko because based on what he said, hindi siya ang ama. Para akong pinangapusan ng hangin sa katawan.

Pero, pwede rin naman na hindi niya lang natatandaan, hindi ba? Hindi ba?

Ayokong makita iyong galit sa mga mata niya - iyong mga mata niyang palaging maamo pero kapag nagagalit siya ay nagiging katulad ng sa kapatid niyang may galit sa mundo.

"Ran," bumaling ako sa kaniya. "I will never regret having this baby. Kung sino man ang ama niya, huwag mo ng alamin dahil hindi naman ito pinlano. Wala siyang alam sa estado ko ngayon at wala akong balak na ipaalam pa sa kaniya dahil wala naman talaga kaming ugnayan. I'm telling you this, kahit nakakahiya, dahil kaibigan kita. At sana, anuman ang maging desisyon ko ay respetohin na lang ninyo." Matagal siyang natahimik.

RecklessWhere stories live. Discover now