Chapter 12

10.3K 405 36
                                    

02/08/19

RECKLESS

Chapter 12:

Today's my monthly check up. Looking at my tummy kind off makes me nervous. Mefyo halata na kasi lalo na kapag naka-fit ako ng damit kaya talagang iniiwasan ko ng magsoot ng ganoon. And weeks from now is our graduation. By that time, I'm pretty sure that my tummy is visible that no one would suspect na busog lang ako or that I gained weight.

Hindi ko naman itinatago pero ayaw ko rin sabihin.

"Cara!" Tawag sakin ni Kuya Jace mula sa labas ng kwarto ko. "Nasa labas na 'yung sundo mo. Ayaw papasukin ni Seb." Dugtong niya sabay tawa. Napailing nalang ako.

They're giving Dash a hard time since the day they've find out that he's the father of my child and I think, he didn't deserve any of it.

Alam ko naman kasi na hindi niya iyon ginustong mangyari. We are under the influence of drug that time. There's no one to blame. Pero siguro, hindi ko rin masisisi ang mga kapatid ko kasi kapatid ko sila, eh. Natural lang na mag-alala at maging protective sila sa akin lalo na at nag-iisa akong babae.

I heaved out a deep sigh before going down and face them. Nakita ko silang prenteng nanonood ng balita na parang walang tao sa labas na naghihintay kaya masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila nang mapadaan ako sa harap ng tv.

"Bakit pati ako may irap?" Reklamo ni Kuya Jace na may hawak na dyaryo.

"Pinapapasok ko kaya lang ayaw ni Seb." Ani Kuya Hans.

"Joke lang naman iyon!"

"Nakikiharap ng maayos iyong tao pero ginaganoon mo lang. You know how much I owe his parents. The least thing we could do is be good to him kasi, pwede namang hindi niya gawin ito pero ginagawa niya pa rin because it's the right thing to do."

I looked outside and saw Dash. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa isang gilid ng terasa. Para siyang kinawawa.

I glared at Seb one last time before storming out our house. Good thing wala si Mama, pwede kong tarayan ang mga barako niya.

Pagkalabas ko, medyo nanibago ako sa ayos ni Dash. Wearing a plaid shirt, capri pants and sneakers, he's giving an aura of a boy next door. I was used seeing him in a button down shirt, suits and anything so formal. Sobrang dalang ko siyang makitang parang normal na tao lang tulad ngayon kaya talagang naninibago ako.

From my face, his eyes travelled down my body, probably looking at my clothes then his stare stops at my tummy before he sighed.

"Let's go?"

Isang tango lang ang isinagot ko. Sobrang awkward pa rin kasi kapag kami lang dalawa lalo na kapag naaalala ko iyong nangyaring halik sa isla.

God! Paano bang— bakit ba nangyari kasi iyon?

Inside his car was a deafening silence. Wala talaga akong balak magsalita tulad niya kung hindi ko lang napansin na tila iba ang daan na tinatahak namin. Sinilip ko pang mabuti ang labas para makasiguro.

"Hindi ito ang papunta sa hospital ninyo." I told him while looking on the road and in my peripheral vision, I saw how he glances at me.

"We'll get some foods first. I didn't saw you eat anything at all."

"Pwede naman after nalang ng check up." Mahina kong sabi. "Mabilis lang naman tayo kasi wala naman talagang schedule ang Uncle mo maliban sa akin." Feeling ko talaga sobra na iyong effort nilang mag tito eh.

"Fine."

"Thanks!" I said happily. I don't know why I'm thanking him pero parang nakakatuwa lang kasi na pumapayag sya sa gusto ko kahit parang napipilitan lang siya.

RecklessWhere stories live. Discover now