Chapter 13

10.3K 398 52
                                    

02/16/19


RECKLESS

Chapter 13:


Mukha akong basahan!

Pagpasok ko sa Telpace Modelling Agency, iyon agad ang pumasok sa isip ko.

Every employee was dressed fashionably according to trend. Some are professionally well dressed while I was wearing a plaid navy blue dress and flats.

Why did I even agree on having dinner with Dash in the first place? At bakit ba kasi sinabi ko pang pupuntahan ko nalang siya?

When he called me about fifteen minutes ago, nasa kabilang building lang ako dahil doon nagtatrabaho si Kuya Hans at may pinadala siya sa aking mga papeles na naiwan niya sa bahay. I was there when Dashiel called me for an early dinner that he left me no choice but to agree.

"Hi Ma'am! How can I help you?" Magalang na tanong nang nasa front desk.

"I... ah." I gulped. Sa itsura ko, kapag sinabi kong ang boss nila ang kailangan ko ay baka pagtawanan lang nila ako. So I decided to play safe. "Pinapunta kasi ako dito ni Sir Dash." Kumunot iyong noo ng nasa front desk at tinignan akong mabuti. "Scholar nila ako. May ibibilin yata?" Tumawa ako.

I know, mukha na akong tanga pero anong magagawa ko? Pagdating ko palang, kinain na ako ng insecurities ko.

"Ano pong pangalan nila, Ma'am?"

"Cara po. Caramel Ty." Minsan talaga gusto kong kuwestiyunin si Nanay kung bakit ganito ang pangalan ko eh.

Tila naman nagulat itong kaharap ko. Pero nang makabawi ay ngumiting muli.

"This way, Ma'am." Anitong agad akong iginiya patungo sa gawi ng elevator.

Malapit na kami nang bumukas iyon at iluwa si Dash na tila nagmamadali.

He was holding his coat while his other hand was on his phone, dialling, perhaps? His hair was kinda messy, making him looked like his father. Iyon nga lang, itim na itim at diretso ang buhok niya. His tie is kinda loose, too and his all black outfit gives him a dashing look.

Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. Dash. Dashiel. Dashing.

Tila hindi niya kami pansin kaya ako na ang kumuha ng atensiyon niya. Wala naman siguro siyang ibang lakad kung hindi iyong sa amin, hindi ba?

"Dash..." mahina pero alam kong rinig niya dahil halos magkaharap na kami.

He stops and looked at me as he puts his phone down and shoved it to his pocket. He eyed the employee beside me, thanked, then dismissed her professionally.

"I was wondering why you haven't arrived yet knowing you're just a block away. And your not answering your phone." He said as he guided me out.

Nakaalalay siya sa siko ko at hindi ko alam kung yuyuko ba ako sa hiya o aalisin ko ang kamay niya. Ramdam ko kasi ang pasimpleng tingin sa amin ng mga empleyado nila. Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana ako pumayag o di kaya ay naghintay nalang ako sa kung saan niya gustong kumain.

"Ah. Hindi ko narinig. Naka-silent yata iyong cellphone ko." Mahina kong sagot. Around Ran, hindi naman ako ganito pero sa kaniya? Parang ang hirap magkamali.

"Where do you want to have dinner?"

"Bahala ka na." Sagot ko habang nakayuko pa rin.

Ano bang alam kong kainan maliban sa mga fast-food chains? Wala yata. Pakiramdam ko tuloy minsan, taong gubat ako kapag kasama ko si Dash. He's so intimidating!

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na subukan siyang pakisamahan para sa magiging baby namin. Pero ngayon, parang nagsisisi na ako. Kitang kita ko ang layo ng agwat naming dalawa.

RecklessWhere stories live. Discover now