Chapter 10

11.1K 380 43
                                    

01/27/19


RECKLESS
Chapter 10:

Nakabilog kaming lahat sa harap ng bonfire na ginawa nila Blake. Napansin ko na bihasa talaga sila sa pamumuhay sa Isla because in a short period of time, they manage to gather some woods and create a bonfire. Mayroon din kaming fresh from the ocean na mga isda na silang mga lalaki rin ang humuli.

Kung hindi lang talaga sila looking sosyal, iisipin kong laki sila sa hirap, eh. I mean, hindi sila takot madumihan. Even though they're arrogant, mas nangingibabaw naman iyong good sides nila na hindi madaling makita.

I stood up. Nilingon naman ako ni Jem at Blake. I was sitting in between them.

"Going somewhere?" Blake asked casually.

"Kuha lang ako ng shirt. Medyo malamig na." Pagdadahilan ko kahit hindi pa naman talaga malamig. Ayoko lang na magkasakit. Kailangan kong mag doble ingat lalo na at hindi ko na solong pag-aari ang katawan ko.

"Oh!" Sabay hubad ni Blake ng shirt na suot niya at iniabot sa akin. "Ito nalang para di ka na bumalik sa villa. Medyo malayo at madilim rin kasi ang daan."

"Hindi. Okay lang naman—"

"There." Aniya nang maisuot sa ulo ko ang shirt niya. He even ruffles my hair as he smiled and I was left no choice but to wear his shirt completely. Grabe lang. Para akong naka-bestida sa haba.

"Yiee! Ang sweet naman ni kuya." Primrose commented as she giggles.

Umani pa kami ng ilang tuksuhan mula sa kanila pero iyong ngiti ko, sobrang pilit na pilit na dahil iba iyong tingin na ibinibigay sa akin nila Dash at Ran.

When the sun finally sets, doon na nagsimula ang ingay nila. I know how party goers they are but none of them had gone wild since I knew them... siguro, ngayon palang na kami-kami lang ang narito sa Isla.

"Oh my gosh! The best ka talaga sa ganito, Zeke." Jem said while holding a glass of I don't know what. Basta si Zeke ang may gawa at kahit ano pa iyong pinaghahalo-halo niya ay walang may paki dahil masarap naman ang kinakalabasan.

"Here." Abot sa akin ni Zeke ng isang basong may laman ng inumin na ginawa niya.

Medyo hesitant ako pero tinanggap ko na rin. Hindi ko nalang iinumin. Ayoko lang maka-offend.

"Patikim nga." Sabay hablot ni Ran sa akin ng inumin at inisang lagok iyon. "Pwede na." Aniya pa sabay alis na parang napadaan lang talaga.

Sobrang nalulungkot ako sa nangyayari sa amin ni Ran. He's the closest one to me and yet, ganito ang nangyayari. I don't want this and yet, wala akong magawa kasi alam ko naman na sinira ko na yung kung ano'ng mayroon kami.

I felt so down the whole night kaya noong wasted na silang lahat at sobrang kukulit na, pumunta nalang ako sa may duyan na nakita ko kanina sa may bukohan. Medyo madilim sa parteng iyon dahil medyo malayo na sa kung saan kami nag bonfire.

I sat there, contemplating. Sobrang bigat talaga sa dibdib ko na iyong taong palagi kong kasama ay iniiwasan ako ngayon. Ang hirap-hirap at sobrang nakaka-down. It was like I betrayed him for some unknown reason.

"Baby, 'yung Tito Ran mo, galit sa akin. Pero 'wag ka mag-alala kasi sobrang bait naman niya. Mas mabait siya sa daddy mo kaya sana, paglaki mo, maging mabait ka rin, ha?"

I know, mukha akong tanga sa pagkausap sa baby ko kahit na kung tutuuisin ay hindi pa nga siya nagfo-form as a human being sa loob ko. But still, he's still my baby. He is alive.

RecklessWhere stories live. Discover now