54

2.5K 41 1
                                    

Third Person.

"80%." Dr. Fuentes whispered while monitoring Sakiya's vital signs. The good thing is, nagre-respond pa rin ito sa chemicals.

"It's been two days." Sambit ni Mr. Deival na siya ring pinapanuod ang walang malay na si Sakiya. Maraming machines ang nakapaligid dito, maging ang ilang mga wires at hindi maipaliwanag na medical equipment na siyang naka kabit sa katawan niya.

They are doing it again. Experimenting on Sakiya.

Her left arm were exposed. Kitang kita ang bakal na kaliwang kamay nito, parang isang robot. Her face were paler than it was. Her lips were pale dry, she looks like a corpse with a faint heartbeat. Barely human.

Dalawang araw na simula ng kunin nila si Sakiya sa Heilthor. Dalawang araw simula ng muli nila itong pag experimentuhan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. 80% done. It's either the whole experiment thing will fail, or succeed. Depends on Sakiya's results.

"Where's Lothus?" Tanong ni Mr. Deival kay Dr.Fuentes.

"He's in the basement of the laboratory." Walang ganang sambit ni Dr.Fuentes at muling tiningnan ang vital signs ni Sakiya bago ito ibilin sa isa sa mga naka full protective gear na nagbabantay.

May bantay ang labas ng silid kung saan ito naroroon. Habang may kanya-kanya namang gawain ang mga taong naka full protective gears sa gilid, mula sa puting suit na suot ng mga ito, face mask, face shield, gloves. Wala kang makikita sa kanila kundi ang kanilang mga mata. Medical weird telletubbies. They're moving like everything about them is controlled by someone who wasn't in the scene.

You're not allowed to make a mistake. You're not allowed to talk about anything except if it is related to what they're doing.

Malaki at malawak ang laboratoryo sa ilalim ng building A-4. Halos kalahati ng buong Heilthor University ang sakop nito. Sa ilalim ng mga building.

"He's been here for almost one week now." Walang emosyon na tiningnan ni Mr.Deival ang isang kilalang lalaki na siyang nakakulong sa isang masikip at maliit na silid. Walang kama, walang kahit na ano. Tanging isang manipis na kumot, parang isang kulungan.

Nakasuot ito ng puting kasuotan na parang isa sa mga sasabak sa experimento. Marungis ang itsura, nangangayayat, nanghihina.

"D-Deival.." pagapang na tinungo nito ang rehas.

"Wala ito sa usapan, Deival. Ilabas niyo ako dito." Pagmamakaawa pa nito ngunit wala siyang nakuhang reaksyon kay Mr.Deival. Lothus were begging for his life pero wala itong nakuhang kahit na anong awa sa huli.

The connection between Mr.Deival and Lothus were slowly being cleared. How they manipulated Sakiya's situations, friends, and sorroundings.

"Tapos na ang trabaho mo, Lothus." Walang emosyong banggit nito.

"Ginawa ko lahat ng pinapagawa niyo. Inangkin ko ang pangalan na Lothus! Sumunod ako kay Sakiya na parang aso kahit na maubos niya lahat ng tauhan ko! Tapos ganito ang igaganti niyo sa akin?! Pumirma ka sa kasunduan, Deival. Nangako ka." Halos maluha-luha nitong sambit.

"Too bad. The devil is evil." Walang emosyong banggit nito.

"You manipulated me from the very first place. Kiya's birthday? Dead? Everything is fake, Deival. That kid is fake too. Pagsisisihan ni Lothus ang mga bagay na 'to."
He closed his fist.

"As if Lothus would care." Sabat ni Dr Fuentes habang bahagyang sinulyapan ang relo nito. "Pablo, tayong tatlo lang ang nakakaalam ng kasunduan. Well in fact, inangkin mo na ang lahat ng naging kasalanan ni Lothus sa Underground Society maging sa Itim na Gobyerno. Bayad na siya sa lahat. Kaya walang makakaalam kung papatayin kita ngayon. Walang may pakialam, Pablo." Sunod sunod na sambit ni Mr.Deival dahilan para sandaling mapatahimik si Pablo.

Pablo, known as Lothus was used by the real Lothus. Inangkin ni Pablo ang pangalan ni Lothus dahil sa isang kasunduan. Ang makuha ang Serophile. He was used by them. From the very start, Kiya's birthday party. The experiments. Ang patuloy na pagbabanta nito sa buhay ng babae kahit maubos na ang mga tauhan niya.

Yun ang rason kung bakit lahat ng nasasakupan nito ay tinalikuran siya. He sacrificed his people for the sake of being Lothus. But Lothus isn't the real Lothus. Pablo is just a puppet unders Lothus.

"Kill me. I have nothing to lose anyway. But you know what, I pity you. I pity Lothus. He can't even show his face to his own-" nag-echo ang tunog ng baril sa bawat sulok ng buong basement dahilan para bahagyang magulat at matakot ang ilan pang nakakulong dito.

They hug themselves, ang tanging kanlungan ng mga ito ay ang maliit, madili. at malamig na silid kung saan sila naroroon. May tahimik na humihikbi, may ilang nawalan na ng pagasa. Some of them literally lose their mind because of the torture they've experienced.

"You're a doctor, you are supposed to save lives Fuentes." Pagpuna ni Mr.Deival sa kasama na nagkibit balikat lang.

"Opps, not my fault." Bahagya pa itong natawa bago nila muling tinungo ang kinalalagyan ni Sakiya.

"Paano kung hindi kinaya ni Sakiya?" Asked Dr. Fuentes.

"Lothus knew the risk. The whole family knew the risk. This was their own choice--" He cutted Mr.Deival.

"But we are all going to suffer the consequences." Dr. Fuentes said.

"Kirres--"

"I don't want to talk about my kid, Fuentes." Patuloy na naglakad si Mr. Deival sa makipot na hallway palabas ng basement habang naiiling na sumunod ang doctor dito.

"He loves Sakiya." Umukit ang isang nangaasar na ngiti sa labi ng doctor. "Sakiya loved him too." Sumama ang tingin ni Mr.Deival sa doctor.

"Sucks." Sambit na lamang nito sa Doctor at hindi na pinansin ang kung ano mang sinasalita nito sa gilid.

Mr. Deival knew about the real connection between Kirres and Sakiya. Of course, sabay silang lumaki. Alam na alam na niya ang ganuong klase ng tinginan. But yeah, they secretly loves each other. But work is work.

Si Kirres ang isa sa mga naatasan na magbigay ng panganib kay Sakiya. To scare her. To manipulate her. To teach her a lesson in order to keep the adrenaline in which makes the chemicals on his body balanced.

He's the one behind Syto's doings. Lahat ng ginawa ng Syto kay Sakiya ay kagagawan niya at nanggaling mismo sa sariling bibig niya. He don't really want to do this, pero ito lang ang tanging paraan para mapanatiling buhay si Sakiya.

He has no choice. Kirres and Julian Micu has no choice.

"The power went down!"  Malakas na sigaw ng isa sa mga personel sa laboratoryo kasabay ng malakas na pagtunog ng alarm sa buong paligid.

"Sakiya." Mariing bulong ni Mr.Deival at nagmamadaling tinungo ang silid nito. Only to found out, that she's still there.

But the thing is, there's no heartbeat.

×


A/n:

MERRY CHRISTMAS LOVES! I'm still going to push myself na tapusin 'to bago mag 2021. Don't worry, revision lang naman e. Still 70 chapters kagaya ng dati. Same flow ang story.

Another thing is, magbabagsak ako ng isang sci-fi story. May halong crime and mystery siya. Yun yung kauna-unang sci fi na isusulat ko so please, support niyo ako. Pub ko yung synopsis mamayang pasko.

Merry Christmas ulit! ❤I love you all.

×

Truth Behind Her Glasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon