40

3.1K 63 5
                                    

Sakiya Ashanti.

Micu woke me up. Nasa labas ito ng sasakyan at kinakatok ang bintana kung saan ako nakaupo. Pikit-mata na inilibot ko ang tingin, bumalik sa ala-ala ko yung nangyari kanina.

Bumuga ako ng hangin at inalis ang maskara. Bumaba na rin naman ako. Napansin ko ang biglaang pagayos ng tayo ni Teron sabay tapon sa sigarilyo nito.

Pinaningkitan ko lang siya ng mata.

"Bumaba ang Death Rebellion sa Waddy. Naihatid din namin sila Malachi and you slept the whole time." I yawned again.

"Do you know Ignis' identity?" Teron looked at Micu.

"No." Micu answered me as they both exchanged glances. Tumango ako.

"Thank you for the ride." Sambit ko at humakbang papalapit sa bahay ko. Napahinto naman ako ng biglang may maalala.

"Ah, right. Kunin mo yung jacket ko sa fiancè ni Malachi. Mahal yon." Nginiwian lang ako ni Micu.

"And Teron? No smoking please." Sumaludo siya sa akin. "Balik ko na lang 'tong jacket mo." Sambit ko pa sabay yakap sa sarili.

"No worries." May sinabi pa sila bago tuluyang umalis. Napahinga naman ako ng maluwag.

Masyadong mahaba ang gabi. Maraming nangyari. Tuluyan akong pumasok sa bahay. I check my phone. Nakita ko ang ilang message ni Paige sa akin. Sinabi pa nito na ihahatid niya mismo si Streya sa akin.

Inihiga ko ang katawan sa sofa sabay pikit ng mga mata. I drift to sleep.

It was almost 2 pm when I woke up. Hungry, tired and my body is aching. Kung hindi pa ako nahulog sa sofa ay siguro hindi pa ako magigising.

Bahagya akong nag-inat. I haven't even change my clothes yet. Kung ano ang suot ko kagabi ay iyon parin ang suot ko ngayon. Bumuga ako ng hangin.

Inayos ko naman na ang sarili ko sa banyo. I took a cold shower. Nagsuot ako ng itim na dolphin short at isang oversized white-shirt. It's saturday. Wala na din akong balak lumabas ng bahay.

I yawned. Binuksan ko ang fridge at agad ding sinara iyon ng makitang tubig lang ang laman. Wala na ding pizza at mga prutas. Isang 250ml mineral water bottle lang ang laman ng fridge.

Naghanap ako ng cup noodles pero wala din. Minsan, pakiramdam ko, wala talagang silbi ang mga plato na naka stock dito. Hindi naman nagagamit. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-order ng pagkain.

Muli akong nahiga sa sofa eksakto namang tumawag si Ki sa akin.

"How's Malachi's chick?" Bungad niya.

"Good. Where are you going?" Tanong ko ng makitang naka formal attire ito.

"Business meeting somewhere here in Texas." He answered. Parang sasabak siya sa isang business proposal na ang goal ay ma-promote.

"When will you visit me here?" I asked again. Napansin ko na natahimik siya pero kalaunan ay ngumiti na naman siya sa akin.

"You missed me that much?" I don't know.

Maybe I just want to test something. I wanted to see you, or hug you. I wanted to remind myself that it's you.

"Miss your face." I rolled my eyes.

"I'm going to meet your papà, here." Naningkit ang mga mata ko.

"Don't do something stupid, Ki." I stated. Tinawanan niya lang ako bilang tugon.

"Yung regalo ko sayo, malaki. Nagkaproblema sa shipment, delayed ng two days." Tumaas ang kilay ko.

"Anong regalo mo? Dinasour?" Nanlaki ang mata niya.

Truth Behind Her Glasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon