39

2.9K 59 1
                                    

Sakiya Ashanti.

Dahan-dahan akong humarap. Mabilis na napansin ko ang paglipat ng mata niya sa babae kaya pasimple akong humakbang pakanan para takpan ito.

"Ako ang kaaway mo."

Napako ang tingin ko sa mga mata ng taong may hawak ng baril. It's green and orange.

"Deathrose." Malamig pa sa yelong banggit niya. Sa boses niyang iyon, nakakapanghina at nakakatakot.

Hindi ako gumalaw, ganun din siya. Hindi ako nagsalita ganun din siya.

"Ignis, she saved me."

Tiningnan ko mula sa side vision ko yung babae na unti-unti ng tumayo. Bahagyang kumunot ang noo ko.

Nakita ko kung paano pasimpleng itago nung babae yung card na binigay ko at parang nagiingat ito na hindi makita ni Ignis.

"Niligtas ko raw siya." Nakangising sambit ko habang nakataas ang mga kamay.

Hawak ko pa sa kaliwa ang baril ko. Bahagya kong iti-nap ang hintuturo ko sa baril na hawak.

Nakarinig ako ng sipol. Lumipat ang tingin ko sa lalaking kasamahan ni Ignis.

"Sexy as hell, Deathrose." Nakangising sambit niya sa akin. Tristan Fellaier. Nangangati ang kamay ko na itutok sa kanya ang baril at kalabitin ang gatilyo.

Tumaas ang sulok ng labi ko ng bumaba ang tingin ni Ignis sa katawan ko at ang paglipat ng tingin nito sa babae na nasa likuran ko. I'm wearing a fitted tank top at high waist ripped leather pants.

"Mint!" Lumipat ang tingin ko kay Malachi na patakbong niyakap yung babae. Mint..

Sayang talaga, Malachi.

Saktong bumukas ang pinto ng factory at iniluwa nun ang pawisan na dalawang kasama ko.

"Babe!"

Julian Micu never calls me babe unless may chicks na umaaligid sa kanya na ayaw niya. Meron pang isang rason, yun ay ang hindi sigurado na pagpapakilala niya sa akin-- or hindi katiwa-tiwala ito.

Teron Algabre was holding a sword, literally. At may dugo dugo pa iyon. Pawisan din ito at hinahabol ang hininga.

"That was fun dude! Mas maganda kaysa sa sniper riffle." Tawa-tawang banggit ni Teron Algabre. Litaw ang tattoo sa katawan nito dahil sa sleeveless na itim ang suot.

Nanatili itong kalmado at nakangiti ng tutukan siya ng baril ng kasamahan ni Ignis pero para bang wala itong pakialam.

Nagawa niya pang alisin ang takip nito sa mukha. Kaagad na ibinaba ng kasamahan ni Ignis ng makilala si Teron.

"Thank you, Deathrose. For keeping her safe."

Hindi ako nagreact lalo na't nakatutok pa rin ang baril ni Ignis sa akin at nakaangat pa rin ang kamay ko sa ere.

"Man." Si Malachi na mismo ang nagbaba sa baril na hawak ni Ignis. Ibinaba ko naman ang kamay ko at ibinalik ang baril ko sa likod ko.

Napataas ang kilay ko ng hindi parin inaalis ni Ignis ang mata sa akin.

"Opps. I saved her." I grinned. Lalong sumama ang tingin niya sa akin.

"Just wait and see." Mariing sambit niya. I shrugged. Nakita ko na nakipagkamay si Malachi kay Micu.

"I just tag along to have fun. Teron Alagbre" Nakipagkamay rin si Teron kay Malachi dahilan para malipat ang dugong nasa kamay nito sa kamay ng huli. Natawa nalang sila.

Truth Behind Her Glasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon