Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

"Diba sabi ko huwag kang maninigarilyo?!" Naiinis kong bulong sa kanya. Bigla kasing umingay sa paligid dahil nagsimula nang tumugtog ang banda na guest ngayon sa bar.

"Isa lang naman." Bulong niya sa akin.

"Hindi pwede! Kung ipalunok ko kaya sa'yo 'yan?!" Naiinis kong sabi sa kanya. Ayaw ko pa naman sa lahat iyong naninigarilyo.

"Dyahe pare! Under ka pala ng fiancée mo?" Malakas na sabi ni Travis na sinabayan nila ng pagtawa. Naninigarilyo rin siya katulad ni Allen, Alex, Shaun, Rhalp, Vlad at Jomsky. Si Axcel lang ang hindi ko pinayagan. Si Xander, Symon at Aivan naman ay nag-iinom lang.

"Sige lang, sunugin n'yo lang ang mga baga n'yo! Pagtatawanan ko kayo kapag nagkasakit kayo!" Naiinis kong sabi sa kanila. Nagtawanan lang sila samantalang sumimangot lang si Axcel.

"Hayaan mong mamatay ng maaga 'yang mga 'yan lalo na ang isa diyan." Sabi naman ni Din. Napailing na lang ako. Habang tumawa lang silang lahat maliban kay Allen. Matamang nakatingin lamang ito kay Din na tila binabasa kung ano ang nasa isip nito. Nakita ko namang nag-iwas ng tingin si Din ng magawi ang mga mata niya sa pwesto ni Allen.

"CR lang ako." Sabi bigla ni Din at tsaka ito tumayo at pumunta sa comfort room. Wala pang ilang saglit ay tumayo rin bigla si Allen.

"Hayaan n'yo na lang sila. They need to talk." Seryosong sabi ni Aivan. Naramdaman ko naman bigla ang pasimpleng pag-akbay sa akin ni Axcel. Hindi siya nakatingin sa akin, patuloy lang siyang nag-iinom.

"Par, nakauwi ka na sa Rancho?" Tanong ni Travis kay Xander. Umiling lamang si Xander.

"Hindi pa, pero balak ni Daddy na umuwi kami roon. Busy pa si Daddy sa Montemayor Empire." Sagot naman ni Xander.

"Akala ko ba si Kuya Greg muna ang mag ooperate ng company?" Tanong naman ni Aivan.

"Hindi, busy din si Kuya Greg. Priority pa rin ni Kuya ang pamilya." Sagot naman ni Symon.

Nag-uusap lang sa Felice at Rissa sa may gilid habang sila namang mga lalaki ay nag-uusap ng kung anu-ano. Hindi ako masyadong nag-iinom, kaya light lang ang akin. Cocktail lang ang iniinom ko.

"Sa unit ko na ikaw matulog." Bulong bigla sa akin ni Axcel. Para namang may dumaloy na kuryente sa buong sistema ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko.

"Ayoko, uuwi ako." Bulong ko naman sa kanya. Naramdaman ko bigla ang paghigpit ng akbay niya.

"Anong oras na, sa condo ko na lang ikaw matulog. Hahatid din kita bukas." Pagpupumilit pa niya.

"Huwag kang makulit. Tsaka lasing ka na ba? Uuwi ka pa." Tanong ko sa kanya.

"Oo, lasing na ako. Ikaw mag dadrive." Sabi niya.

"Heh, niloloko mo naman ako. Bahala ka diyan. Iiwan kita dito, kaya 'wag kang maglasing." Sabi ko sa kanya.

"Doon ka na kasi matulog." Parang batang sabi niya. I looked at my wrist watch. Alas dose y media na ng umaga. 


"Huwag ka sabing makulit. Hindi nga kasi pwede." Pinisil ko ang matangos niyang ilong.

"Malayo pa iyong bahay n'yo dito. Mas malapit ang unit ko kaya doon ka na lang matulog." Sabi niya. Hindi talaga siya maawat. Alam kong lasing na siya dahil namumula na ang buo niyang mukha at panay na rin ang akbay at hilig sa balikat ko. Inaamoy niya rin paminsan-minsan ang leeg ko.

Bumalik naman si Din sa pwesto niya at napansin kong nagulo ang lipstick niya at medyo namumula rin ang mata niya. Marahil ay umiyak siya. Wala pang ilang saglit ay bumalik na rin si Allen.

"Naghalikan ba kayong dalawa?" Biglang tanong ni Felice. Namula naman ang mukha ni Din samantalang passive lang ang reaksyon ni Allen.

"H-Hindi ah." Sagot naman ni Din pero obvious na naghalikan nga silang dalawa. May lipstick kasi ni Din si Allen sa may gilid ng labi.

"Naiihi ako, samahan mo ako." Biglang bulong sa akin ni Axcel.

"Para kang sira. Bakit naman magpapasama ka pa. Kaya mo na naman." Sagot ko sa kanya.

"Nahihilo ako, hindi ako makatayo ng ayos." Sabi niya. Tinignan ko naman sila, mukhang may mga tama na rin sila.

"Tara na nga." Sabi ko at tsaka tumayo. Tumayo rin naman siya at tsaka umakbay sa akin para kumuha ng suporta. Inalalayan ko siya hanggang sa pinto ng CR ng boys.

"Dito na lang ako, bawal akong pumasok diyan." Sabi ko sa kanya.

"Hindi 'yan, dali na samahan mo ako sa loob. Wala namang tao." Sabi niya. Pero tinanggal ko na ang pagka-akbay niya sa akin.

"Huwag kang makulit, bilisan mo na. I'll wait here." I said. Pero nagmatigas siya at ayaw niya pa rin pumasok.

"Samahan mo na kasi ako sa loob." Parang lasing niyang sabi. Lasing na talaga siya, alam ko iyon. Makulit kasi iyan kapag nalalasing at kung anu-ano ang ginagawa. Kaya hindi ko maiwanan sa ganito.

"Hindi nga kasi pwede, baka may ibang pumasok. Bilisan mo na. Iintayin kita dito."

"Ayoko nga sabi, samahan mo lang ako sa loob. Baka umalis ka at may pumorma sa'yo. Tara na!" Pagpupumilit niya. Tinitignan na rin kami ng ilang babaeng pumapasok sa kabilang comfort room.

"Ang kulit mo naman, naiinis na ako sa'yo." Sabi ko sa kanya.

"Bilis na, samahan mo na ako. Saglit lang akong iihi." Pagpupumilit niya at pilit akong hinahatak sa loob ng CR. Wala naman akong nagawa dahil sa malakas siya. Agad niyang ni-lock ang pinto pagkapasok ko.

"Bilisan mo na umihi, para ka talagang bata at kaylangan pang samahan para lang umihi." Sabi ko sa kanya. Pumuwesto naman siya para umihi kaya tumalikod ako saglit.

"Bakit ka nakatalikod? Ayaw mo bang makita?" Tanong niya.

"Pulos ka naman kalokohan, Axcel. Bilisan mo na lang diyan at iuuwi na kita. Lasing na lasing ka na oh." Sabi ko sa kanya.

"Kunwari ka pa. Bili na, tignan mo." Natatawa niyang sabi.

"Isa Axcel! Tumigil ka, sasapakin na kita diyan." Sabi ko sa kanya. Humarap na ako sa kanya dahil tapos na siya. Agad naman siyang umakbay sa akin at tsaka kami lumabas.

Tinignan naman kami ng ilang lalaking papasok sa CR pagkabukas namin, marahil ay nagtataka kung bakit ako naroroon. Alam ko naman na iba ang iniisip ng ilan, pero wala na akong pakielam pa roon. Si Axcel ang mas mahalaga sa akin kesa sa kanila. Nakabalik na kami sa pwesto namin at nadatnan naming silang nagtatawanan.

"Gawin mo akong baby mo mamaya pag-uwi natin ah?" Bulong sa akin ni Axcel pagkaupo naming dalawa.

"Sira ka talaga." Bulong ko naman sa kanya.

"Kapag lasing na lasing na ako, alagaan mo ulit ako tapos ikaw naman aalagaan ko kapag nalasing ka." Sabi pa niya. Natawa na lamang ako.

"Sana lagi ka na lang lasing para lagi kang sweet, Montemayor." Sabi ko sa kanya sabay pisil sa pisngi niya.

He suddenly intertwined his hand in mine. "Gagawin ko lahat, huwag ka lang umalis sa tabi ko."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon