"Ano kaya s'ya ni Dominique? Katulong?" maarteng sabi ng kulot na babae na ginawang drawing board ang mukha dahil sa kapal ng pintura nito.

"Yeah, mukha nga. Duh, alangan namang girl friend s'ya? Eww lang!" hinila lang ako ni Dominique hanggang makarating kami sa loob ng kotse n'ya.

"Don't mind them.." wah, bakit kaya andaming naghahabol sa kasama ko? Sabi ko na nga ba e, kriminal s'ya e. Unang una, nakita ko s'ya sa tv. Pangalawa, maraming naghahabol sa kanya dahil gusto nila makakuha nng reward.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil baka saksakin ako kaagad ni pogi kapag may mali akong nasabi.

Papasara na ang pintuan ng kotse noong may humarang na kamay sa pinto, kaya ayun. Napa-aray s'ya sa sakit.

"Aray naman!!!" halos umiyak s'ya dahil sa pagkakaipit n'ya sa pinto.

"Waah pogi! Huwag mo s'yang patayin huhuhu!" sigaw ko at itinulak ko ang pinto ng kotse. Huhuhu, kawawa naman yung lalaki.

"What are you doing? You shouldn't have done that!" medyo lumakas yung boses ni pogi.

"Hi Nica!" kinindatan n'ya ako.

"Tss!" pagsingit ni pogi. Nag-hi rin ako pabalik sa kanya.

"Pasabay hehehe!" sabi ni Georgy.

"No." matigas na sabi ni pogi.

"Pasabay lang bro!" medyo napapout pa si Georgy, wah mukha s'yang teddy bear.

"No, you couldn't."

"Pasabay naman please. Wala kasi akong dalang kotse eh.." medyo naawa naman ako kay Georgy, kawawa naman s'ya talaga. Bakit hindi nya kaya sakyan si coffee? Hehe!

"Pst pogi, isabay na natin s'ya. Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo? Naku, masama 'yan.." pangongonsensya ko sa kanya. Malay mo naman ay umepekto.

Tiningnan n'ya ako kaya mas lalo akong nagpaawa, "Please pogi?" nag-pout ako ng bongga. 

"Fine. Get in.." napa-yes pa si Georgy sa sinabi ni Dominique. Hay salamat naman at hindi na mukhang kawawa 'to, ang cute n'ya pa naman.

Pagkapasok n'ya sa loob ay kinalabit n'ya ako kaagad, "Hi Nica! Ayos ka na ba?" tanong n'ya, pero bago ako makasagot ay nagsalita si Dominique.

"As you can see, tss!" napalingon ako kay pogi, bakit kaya s'ya nagsasalita mag-isa? Ang creepy naman.

"By the way Nica, kamusta ang first day mo dito sa G.U.?" tanong n'ya. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita na naman si pogi.

"She's fine." waaah, bakit ba ang hilig makisingit ni pogi sa usapan?

"Eh?" napalingon si Georgy sa kapatid n'ya. Matapos noon ay tumingin ulit s'ya sa akin, "May naging kaibigan ka na ba?" tanong n'ya sa akin.

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon