pagka-upo ko, nagkatinginan kami ni taehyung saglit. after a few seconds, pinaghahampas ko na siya. " aRAY HYUNG! ANG SAKIT! HYUNG TAMA NA ARAY! SORRY NA. DI KO NA UULITIN. " sigaw niya habang lumalayo sa'kin.

" GANYAN KA NAMAN EH. LAGI NA LANG HINDI MAUULIT! PERO INUULIT MO PARIN! MAPAPALO NA KITA SA PWET E. " sigaw ko habang hinahampas ko siya ng unan at siya naman halos malaglag na sa upuan. tumawa na lang 'yung iba. except kay jungkook at manager-hyung. aba, himala si jungkook hindi natawa.

" ARAY KO HYUNG! ANG SAKIT! " sigaw ulit ni taehyung. kinukurot ko na siya ngayon, tigas talaga ng ulo nitong batang 'to. hays.

" kapag inulit mo pa 'to, mas malala na yung gagawin ko sayo next time. " sabi ko, he frowned as he blocked my attacks at him. " oo na hyung. ang sakit huhu. "

" tumigil na kayo kung ayaw niyong mawalan ng internet for one week. "  banta ni hyung. At dahil mahal namin ang internet, tumahimik kami. We can’t survive without wi-fi. Wi-fi is love, wi-fi is life—well, not really, but you guys know what I mean.

tahimik lang kami buong biyahe, for the sake of our internet. galing nga eh, first time tumahimik 'yung van.

pagkadating namin sa dorm, naabutan naming naka-unlock yung pintuan. nag-volunteer si yoongi-hyung na mauna just in case daw na may magnanakaw. nice hyung, your gums are so brave.

" ako unang papasok. for the sake of my swag. " sabi ni hyung. puro 'to si swag, swag-swagin kita diyan eh. ah, sige sorry. titigil na 'ko.

dahan-dahang pumasok si hyung sa loob at nakabuntot lang kami. etong si jungkook kanina pa tahimik eh. hindi ako sanay jusme.

" OH MY GOD MAY MAGNANA—ay, false alarm. si jena lang pala. " binatukan namin siya isa-isa kasi kinabahan kami. parang tanga din 'to si yoongi-hyung eh. kainis.

" grabe ka yoongi. yung itsura ko ba mukhang magnanakaw? " tanong ni jena-noona. " hindi, mukha ka lang clown. " hALA HYUNG PATAY KA.

" gusto mo bang mamatay? " tanong ni noona, biglang nag-iba yung aura niya. jusko kakilabot. mas nakakatakot pa siya kesa kay yoongi-hyung eh. " okay lang ba kung ikaw mauuna? "

" yoongi, tama na. baka mamaya totohanin pa ni jena 'yan. " sabi ni jin-hyung, yas that's my bae─i mean, bro. that's my bro!

napailing na lang si jena at napabuntong-hininga. " okay, about doon sa pag-uusapan natin─ "

" is it bad? " tanong ni jin.

" or is it good? " tanong naman ni taehyung.

umupo na kaming lahat habang pinagmamasdan si noona na nakatayo sa gitna na parang teacher. " patapusin niyo muna kasi ako. " sabi niya.

" it's neither bad nor good. um, 'di ko rin sure eh. pero maybe you'll be able to handle it. " sabi ni noona habang nakapamewang sa harap namin. taray, teacher jena na ba ito. " also, you'll be multitasking from now on. "

" multitasking? isn't being an idol and a handsome person considered as 'multitasking?' " tanong ni jin-hyung. may point si jin-hyung diyan. pero grabe, yung grammar though, bihira labg 'yan.

" pwe. iba 'yung ibig kong sabihin. you'll be half-idols and half─ "

" Gwapos. " sabi ni taehyung. nagsi-apiran naman sila. hays, kapag si jena nayamot patay kayo sakanila.

" alam naman siguro ng lahat 'yon. but what i mean is, all of you will be a part-time daddies. " sabi niya. tumawa lang kami saglit at napatigil ng marealise namin yung sinabi niya.

Bangtan Daddiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن