#37: Pimple Tips 101 ^-^

136 1 0
                                        

Simple tips lang para iwas pimples at magandang mukha.

Sempre, lagi kayong mag hilamos sa isang araw okay na yung 2-3 beses. Wag sosobra nakakapanget yun sa mukha.

Kung maghihilamos kayo okay naman kung tubig lang pero kung gagamit man kayo wag naman yung sabon may ibang sabon kasi na pang katawan lang hindi mukha. Okay? 

Dapat laging malinis kamay niyo wag basta panay hawak sa mukha.

Kapag maglalagay kayo make up make sure bago matapos ang araw lilinis nyo mukha nyo wag kayong tamarin kasi for sure kinabukasan o sa susunod na araw may tutubo na dyan na pimple. Sige ka.

Dapat din malinis yung mga bagay na ginagamit mo araw araw like cellphone, unan, kumot, kasi pwede ka magkapimple kapag marumi yan. Dapat kahit 1 beses sa isang linggo dapat nagpapalit ka bedsheet. 

Iwasan ang matatamis na food okay lang naman kumaen pero dapat yung nasa tama lang. Kaen kayo kamatis, eggs, oatmeal nakakaganda yun sa face

Kung stressed kayo dapat kailangan pa rin mag smile nakakaganda na sa mukha iwas pa sa pimple.

Dapat 1-3 beses sa isang linggo lilinis ang mga ginagamit sa make up pwede din yun maging dahilan yun para tumubo sa mukha ang pimple.

Kung mapula ang mukha nyo dahil sa pimple magpahid ng yelo sa mukha mga 15 mns pwede din sa boung mukha medyo mawawala ang pula at pwede din ipahid kung malaki eyebags nyo mawawala konti yung itim sa mata.

Eto pinaka mahirap kung wag kayong mag puyat hanggat maaari iwasan kasi nakakapanget na magkakaroon pa kayo pimple.

Mag papawis kayo workout, jogging o kahit ano nakakatulong yun sa katawan at mukha natin. 

Hindi lang matamis ang nakakapimple pwede rin sa iba basta dapat control lang. Tapos dapat lagi kayo uminom tubig more tubig more fun kahit mabusog kayo okay lang tubig yan. Nakakafresh at iwas pimple din yan.

Eskinol with dalacin c di lahat nagiging effective yan lalo na kung sensetive mukha mo pero sa iba okay yan.

Kung may mahanap man kayo sa internet na pampatanggal sa pimple wag agad o lahat i-try mga 2 lang dun subukan mo minsan kasi nakakapanget o magiging grabe lang mukha mo imbis na gumanda.

Always smile guys, dapat laging goodvibes kahit maraming problema. Okay?

Karamihan dyan ginagawa ko sana kayo din kung gusto lang naman. Nag share lang ako kasi marami pa din nag tatanong eh. Di magastos kaya kung ayaw nyo magkapimple at gumanda mukha nyo edi ayan na. Haha. 

via TUMBLR

credits to: roseisbulaklak

Random  ^___^Where stories live. Discover now