#9: Why Do Relationship Fail

109 5 1
                                        

Marami na ring taong nakaranas ng failed relationship, marami na ring matang lumuha gagabi, lalo na bago matulog. Too many promises na napako at pusong nasugatan. Gaano man katatag ang relasyon na meron ka, kung hindi mo nakaya ang mga problema at pagsubok, talo ka. Ang relasyon, masaya at nakakakilig kapag umpisa. Pero kaya mo bang dalhin ang kasiyahan na ‘yun hanggang huli? Paano na lang kung andyan na ‘yung mga problema? Makakaya mo ba? Pero bakit nga ba?

• His/Her flaws

Lahat tayo magkakaiba. At habang nakikilala mo siya, lalo mong nakikilala at nalalaman ang mga kapintasan niya. Pero dahil mahal mo siya, kailangan mo ring mahalin ang mga ‘to. Dahil kung wala kang “acceptance”, mawawala rin ‘yang relasyon niyo. Maluwag mong tanggapin ang inyong pagkakaiba.

• Pagsisinungaling

Kasama na dito ang pagtitiwala mo sa partner mo. Kapag nasira ang trust, mahirap na ‘yun ibalik. Maging tapat ka sa kanya. May nagawa ka man kaya ka nagsinungaling, sinasadya mo man o hindi, hindi mo dapat pinatatagal ang kasinungalingan na ‘yan.

• Panloloko

Aba’y kasama na dito ang pagsisinungaling. Lahat andito na nga eh. Full package! Maaring niloloko ka lang na hindi ka niya pala mahal, pinagpustahan ka lang pala, may iba siya at hindi lang ikaw. May mga tao talagang kahit may mahal na sila, nakukuha pa rin nilang manloko. Ba’t kaya hindi sila marunong makuntento no?

• Paghihinala/Pagdududa

Hindi namang tamang palagi mo na lang ‘to ginagawa sa partner mo. Hindi tamang palihim mong tinutuklas kung ikaw nga lang ba ang taong mahal niya. ‘Wag kang magpaka-stalker sa taong karelasyon mo. Pag-usapan niyo ang bagay na ‘to. • Seloso’t selosa-Masarap sa feeling na may taong ganito dahil ayaw ka lang mawala sa kanya. Pero sana tama lang, ‘yung sakto lang. Parang pag-inom mo lang ng The Bar ‘yan eh. Kapag nasobrahan ka na, nakakasama. Lahat ng sobra ay masama. Kung wala naman dapat ikaselos, relax ka lang.

• Don’t ever compare your girlfriend/boyfriend to your EXES!

Nakakasakit kaya ng loob ‘yun. Masakit sa pride! Ganyan siya, anong magagawa mo?

• Lack of communication

Mahirap maka-miss sa isang tao, lalo na’t hindi ka pa nagpaparamdam. Paano mo na lang malalaman kung okay siya o nasaan at sino mga kasama niya. Ilang araw na walang text o tawag… Baka dumating ang araw, masanay siya sa kawalan mo. Ikaw rin, dahil sa ginawa mo, ikaw rin ang nawalan.

Ingatan mo siya at inyong relasyon. Iwasan mo ang bagay na ito, kung gusto mong magtagal kayo. Pahalagahan niyo ang relasyon niyo dahil wala ng mas sasarap pa sa buhay kung nagmamahalan kayo ng tunay.

via TUMBLR

credits to: pilyangmalambing

Random  ^___^Where stories live. Discover now