#23: One Of The Hardest Thing To Do

71 3 0
                                        

Pagmomove on?

Actually parang pagtulog yan eh. Maraming factor ang makakaapekto, maraming dapat gawin, maraming dapat isaalang-alang. Depende rin yan sa kagustuhan mo, sa efforts mo, sa patience mo at displina mo sa sarili. Gusto mong makatulog? Kung alam mong hindi ka makakatulog kung iinom ka ng kape, wag kang uminom. Wag kang uminom kahit pa gustong gusto mo nun, ang lasa nun, ang halinang dala nun sa dila mo. Kung tatanga tanga ka at uminom ka nun, asahan mong di ka makakatulog. Wag mo ring sisisihin ang kape dahil di ka nakatulog. It is your choice. Ginusto mo yan. Hindi lumapit ang kape sayo at itinapon ang sarili sa bibig mo. Kusa mo siyang tinimpla, nilagok, at pinapasok sa sistema mo. Bakit ka iinom ng kape diba kung alam mo namang di ka makakatulog. Same goes with moving on. Ibaon mo lahat sa limot if possible. Wag mo siya isipin. Wag mo tingnan ang pictures niya sa phone mo. Delete it. Yung conversations niyong dalawa. Kung gusto mo talgang maka-move on, gagawin mo yan. Kung alam mong di ka makakalimot kung parati mo siyang inaalala, start deleting his memories now. Kung gustong mong tulungan ang sarili mo, hindi ka magdadalawang-isip burahin ang kung ano mang iniwan niya sayo. Tutal para sayo lang din naman yan. Make his name a bad word. Walang mabuting epekto ang kape sayo. Alam mo yan. Ganun din siya. Kaya tulungan mo ang sarili mong ihaon mula sa mga alaala niya. Kung gusto mong makatulog, wag kang uminom ng kape, wag kang lumaklak ng mga alaala niya.

Hindi ka nga uminom ng kape, pero di ka pa rin makatulog? Try mong matulog ng maaga. Wag kang paka-stress. Try to set your priorities, kung alin ang dapat unahin, kung alin ang pinakaleast na gagawin mo sa araw mo, sa buhay mo. At least i-set mo ang utak mo sa mga makabuluhang bagay nang sa ganon pag tulog mo sa gabi ay panatag ang kalooban mo, ang isip mo. Hindi ito maglalakbay sa kung saan saan dahil maganda ang araw mo. May iba talgang nahihirapan matulog pero kung may tama kang disiplina, yung inasam-asam mong healthy na tulog, ma-aachieve mo yan. Bale sa pagmomove on, ibaling mo ang atensyon mo sa mas makabuluhang bagay. It's useless kung patuloy mo pa ring ginagawa yung mga bagay na nakapagpapaalala sa kanya. Disiplina lang yan. Scratch those activities na kumukonekta lang sa kanya. Wag mong alagaan ang masasakit na alaala na namamayani sa puso mo. Subukan mong pigilan yan. As much as possible ay patayin mo yan. Walang magandang maidudulot yan. Kung palagi mo namang ginagawa at inaatupag ang mas may sense na bagay ay tiyak makakamove on ka. Oras lang talga ang makakagamot sa sugatan mong puso. Hindi madali ang pagmomove on. It will take time kaya wag mo madaliin. Disiplina lang. Patience. Kasi kung wala ka nun? Ikaw lang din ang kawawa. Parati ka lang back to zero. Parati ka lang babalik sa umpisa. Now kung ayaw mong masayang ang gabi mo na imbis itulog mo yun, gawin mo lahat para maging healthy ang pagtulog mo. Iyan. Pagmomove on yan.

Via TUMBLR

credits to: msshearty

Random  ^___^Where stories live. Discover now