#14: M.U

81 1 0
                                        

MUTUAL UNDERSTANDING... MALABONG USAPAN... MALANDING UGNAYAN....

Yung gagamitin ka lang niya kasi nabobored lang siya, magiging sweet siya sayo, tapos ikaw naman unti-unti ng nahuhulog sakanya. Pag nafall ka na saka siya titigil sa ginagawa nya.

Panandaliang saya. Sa una lang kayo masaya, pero sa huli wala, yung tipong nagsawa na kayo sa isa't isa kasi wala ng pagmamahal ang namamagitan sa inyo.

You can't demand anything from her/him. Kapag nagseselos ka,hindi mo to' masabi sa kanya dahil hindi naman kayo official na magBF/GF and kapagnasa ganito kayong relasyon, parating may takot kang mararamdaman, dahil hindi mo siya pag-aari kaya may posibilidad na maattract siya sa iba.

Panakip butas. Akala mo mahal ka na niya talaga, pero yun pala ginamit ka lang niya para makalimutan yung ex niya o pagselosin ito. and eventually may pagkakataong magkabalikan sila ng dahil sayo, tapos ikaw yung maiiwang kawawa.

Kaya dapat kung na sa ganitong stage kayo ngayon, linawin nyo na agad kung ano bang meron sa inyo. Pero sa ganitong sitwasyon, hindi rin naman ito sobrang komplikado,

------> MU is like a stepping stone for the couple to be boyfriend and girlfriend. Dito mo kasi makikita yung mga pahiwatig kung gusto ka nung tao o hindi. Malalaman mo din kung may pagkakataong maging kayo.

Pagkatapos kasi sa stage na to' mas madali ng maging kayo dahil lubos nyo ng makikilala ang isa't isa. If you found out that the person you like also likes you, then what's stopping you from being together? Eventually you'll fall in love (it usually starts with like/crush then love) and be a couple.

Via TUMBLR

reblogged by: baklangfilipina

Credits to: segwayking

Random  ^___^Where stories live. Discover now