#36: Long Distance Relationship

69 0 0
                                        

Ang long distance relationship ay para sa mga taong handang magtiis para sa pagmamahal, pangarap at relasyon na pinangangalagaan. Handang bumyahe ng malayo kahit pa alam nitong mas mahaba pa ang oras ng pagbyahe sa pagsasama at pagkikita, handang magpuyat para lang magpang-abot ang kanilang oras, magkausap at marinig ang boses na pumapawi ng lungkot at pagkamiss, handang gawin ang lahat para lang hindi maramdaman ang distansyang pumapagitan at handang isakripisyo ang lahat para lang tumagal ang inaakala ng karamihan na isang imposibleng pagmamahalan. Ito yung tipo ng relasyon na para sa mga taong matatag, matured mag-isip at kayang gawin lahat para sa pagmamahal.

Literal na mahirap kasi hindi mo maaring gawin yung mga bagay na gusto niyong gawin ng magkasama, limitado ang bawat pag-uusap at pagkikita, text at tawag lang ang sasalubong sa umaga at magtatapos ng gabi, kailangan pang magbilang ng oras at araw para lang magkaroon ng pagkakataon na magkita kayo.

Literal na mahirap dahil sa bawat araw na dumaraan ay isinasampal sayo ang katotohanan na lilipas ang araw na hindi mo man lang naramdaman ang presensya niya, bawat yakap, halik at paghawak ng kamay. Hindi mo man lang naiparamdam sa kanya ng personal kung gaano mo siya kamahal at kung gaano niya kinukumpleto ang iyong buhay.

Literal na mahirap dahil darating ang mga gabing magnanais kang mayakap siya, makita, makasama at mahawakan ang kamay pero makakatulog kang mag-isa, darating ang mga pagkakataon na umaasa ka na sana pagkagising mo, katabi mo na siya kahit pa alam mong ikaw ay mabibigo, darating ang mga sandaling malulungkot ka at maiisip na bakit sa dinami-rami ng mga nagmamahalan sa mundo, bakit kayo pa yung nasa sitwasyong ganito,

Mahirap ang Long distance relationship, kailangan ng tiwala, pasensya, pananalig, tatag at lakas ng loob, walang kapantay na pagmamahal at pag-unawa para mapagtagumpayan ang laban na walang kasiguraduhan. Kailangang tiisin ang lahat ng sakit at pagkamiss, kailangang lumaban hanggang huli ng buong puso at lakas. Dahil darating din ang araw na mawawala na ang distansyang pumapagitan sa inyong dalawa, makakasama mo na siya ng habangbuhay at wagas.

via TUMBLR

credits to: baekebyan

Random  ^___^Where stories live. Discover now