Kayong mga babae hindi kayo niligawan ng boyfriend niyo para sumunod sunod lang sa kanya. Wag niyo ibaba ang standards niyo. Kayo dapat ang sinusuyo at hinahabol. Wag na wag kayong papayag na sasaktan lang kayo! Prinsesa ka ng bahay niyo tapos pagdating sa BF mo, para kang yaya. Pahalagahan mo ang sarili mo. Kung mahal ka niya talaga, hindi ka masasaktan.
Ang mga lalake, human nature na matipuno at matatapang pero para i-under ang isang babae ay di dapat. Ok lang magpa-under sa babae, nagiisa lang ang GF mo, di yan ikakababa ng pagkatao mo. Ano naman kung wala ka ng pride diba? Para sa isang tao lang naman na sobrang mahalaga sa buhay mo. Sa lalake ka makipagtapangan wag sa kanya.
Ang mga babae minsan talaga di maintindihan. Biglang nagbabago ng mood o biglang tatahimik na lang kasi may nakita siyang di niya nagustuhan. Kailangan mo yun i-figure out. Mahirap man kasi di naman manghuhula mga lalake pero wag kang mag create ng away dahil lang di mo alam kung anong basehan niya. Lambing at comfort lang kailangan niya, okay na yan 😊
Hindi 50/50 ang relasyon. Wag kang magbigay ng kulang tapos mageexpect ka ng sobra. Sa mundo, kung ano ang binigay mo, kadalasan ganun din ang babalik sayo. Magmahal ka ng 100%, ganun din ang babalik sayo. You should grow together! Mag invest ka sa relationship niyo. Kahit gaano pa kayo katagal, hindi mag eexist ang "sawa" kung marunong kayong magdala, magintindihan, magbigayan, maglagay ng spark, magtiwala, maniwala sa pagmamahal na walang hanggan.
By: Jam Sebastian
Via TUMBLR
credits to: mikanggutom
YOU ARE READING
Random ^___^
RandomThis is just a compilation of random stuff from somewhere or anywhere like TUMBLR (most probably), FACEBOOK, BLOGSPOT etc. of random people that caught my attention or my random thoughts some real talks anything lol... all about life... love... any...
