Agad naman akong tumalima at tinungo ang terrace. Nakita ko nga ang bungkos ng rosas na nakahimlay dito. Kinuha ko ito at dinala sa loob.

"Hannah, hindi ba't sinabi ko na sa'yong huwag tayong tatanggap ng kahit ano kay Tyler? Alam mong ayokong isipin niya na tinatanggap ko 'yong pagmamahal na inaalay niya," mahaba kong turan sa dalaga.

"Eh ate hindi ko naman po nakitang iniwan 'yan ni kuya Tyler. Napansin ko lang po 'yan nong nagsasampay ako kanina-."

Ngunit hindi pa nakakatapos magsalita si Hannah ay bigla na lamang kaming nakarjnig ng paghinto ng isang sasakyan sa harap ng bahay. Mabilis na tumalima si Hannah at sinilip kung sino iyon.

"Hannah, sino 'yan?"

"Ate, si kuya Tyler po," wika naman nito nang makapasok at kasunod na nga niya ay si Tyler.

Isa itong anak mayaman sa barrio nila Nanay Lita ngunit hindi ito arogante. Napakababa ng loob nito sa mahihirap at napaka masayahin. Ni minsan nga sa halos dalawang buwan ko dito ay hindi ako nakaramdam ng pambabstos dito. Gwapo si Tyler. Iisipin mo nga na isa itong artista sa unang kita, ngunit hindi magawang mahulog ng loob ko sa kanya kahit pa sa mmga katangiang mayroon siya.

"Tyler maupo ka," wika ko dito na agad naman nitong sinunod. "Ano nga palang sadya mo?"

"Alam kong alam mo kung anong sadya ko dito, Lei."

Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Ito lang ang ayaw ko sa kanya, prangka siya, sasabihin niya ang nais niyang sabihin at ipapadama ang nais ipadama.

"Tyler alam mo naman kung anong paulit-ulit na sagot ko dyan, 'di ba?" sagot ko naman.

"I'm just kidding, Lei." Ngunit halata ko sa paraan ng pagsasalita niya na hindi naman talaga siya nagbibiro.

"Hehehe. Kung ganoon pala ano ang talagang ipinunta mo dito?" muling tanong ko.

"Nais sana kitang imbitahan bilang date ko sa reunion namin ng mga dati kong kaklase. Huwag kang mag alala, hindi kita ipakikilala na kasintahan ko. Ayoko lang kasing pumunta ng mag isa dahil mahirap ng makantyawan, hindi na din naman kasi ako pabata," nakangiting sagot nito na lumitaw pa ang mga pantay at mapuputing ngipin.

Gusto ko mang tumanggi ay napatango na lamang ako at napapayag. Wala naman siyang masamang ginawa at ipinakita sa akin para tumanggi ako.

"Salamat, Lei. Ipapadala ko nalang dito ang isusuot mo. Bukas kasi ng gabi iyon. Mauuna na 'ko ha? Salamat ulit," hindi ko na nagawang sumagot dahil nagmamadali siyang umalis na may isang malaking ngiti sa mga labi.

"Aruuuuuuuy si ate. Bakit ba kasi hindi mo pa hayaang manligaw sa'yo si kuya Tyler. Kung talagang dalaga lang ako ay aakitin ko 'yan si kuya-."

"Hannah!"

"Hehehe. Joke lang, si ate naman hindi mabiro."

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Where stories live. Discover now