"Nanuno ka na naman ba?" pagkuwa'y tanong nito.

Tumawa si Sloane. "Yeah, very funny," saka sarkastikong sabi niya. "I'm telling you the truth. 'Yung kaibigan ko, bigla na lang sumugod sa bahay ko kanina kasama mga iba pang kaibigan at kakilala namin."

"May kasamang mga babae?"

"Of course."

"At umalis ka?"

"Hindi ka pa rin naniniwala?"

"Sloane, hindi kita binabawalang makipag-sex sa ibang babae. I just want you to be discreet about it."

"Ayoko pa rin."

"Bahala ka." Tumayo na si Helga. "You don't really have anything in mind right now?"

Tumayo rin siya. "Wala. Basta gusto ko kasama lang kita."

Inirapan siya nito. "Well, we can go to the rec room."

"Hey, I was just about to say that!"

"Right."

Ini-on ni Helga ang TV doon at nang wala silang maisip na panoorin ay hinayaan na lang nitong mag-play doon ang Defenders sa Netflix.

"You wanna drink?" tanong pa nito sa kanya. "O, huwag mong sabihing hindi mo pinanghinayangan pati ang alak sa stag party mo?" tanong uli nito nang hindi siya agad nakasagot.

Lumapit si Sloane sa ref at naglabas siya doon ng bote ng Kingfisher Strong beer. Naghahalo naman ng cocktail drink si Helga. Hinintay niya itong matapos saka niya itinaas ang hawak na bote para makipag-toast dito.

"To the future Mr. and Mrs. Cartagena," nakangiting sabi ni Sloane.

"Whatever," sabi naman ng babae ngunit hindi naman siya nito binigo sa pakikipag-toast.

Nagsimula silang uminom habang pasulyap-sulyap sa TV. Nakaupo si Sloane sa harapan ng bar counter at nasa likod naman niyon si Helga. Sometimes they would talk, pero mas nakakalamang ang paghahari ng katahimikan sa kanilang pagitan na ginugugol na lamang nila sa panonood ng palabas.

Naka-apat na bote na siya ng beer at hindi na niya mabilang kung ilang baso kung anong mga hinalong cocktails ang naubos ni Helga nang magyaya itong i-raid daw nila ang kusina dahil sawa na ito sa kinakain nilang toasted peanuts. Nagbitbit pa ito ng six-pack canned beer.

"Easy," ani Sloane sa babae nang bahagya itong gumewang nang pababa na sila sa hagdanan.

Napahawak ito sa dibdib niya para suportahan ang katawan. God, there was a hot, beautiful woman touching him. And she was drunk.




"I'M fine, I'm fine..." sabi ni Helga kay Sloane at kumawala ito mula sa kanyang pagkakahawak.

"Ang lakas mo palang uminom," sabi niya rito habang nagpapatiuna itong bumaba sa hagdanan.

"Hindi lang diyan ako malakas," tumatawang sabi naman nito.

"Alam ko. Malakas ka ding sumuntok."

"Malakas din akong kumain," ani Helga nang marating na nila ang kusina at walang pakundangan itong naglabas ng mga tirang pagkain mula sa ref. Tinulungan niya itong initin ang mga iyon.

"You have to eat, too. Okay?" sabi nito sa kanya na nakaturo sa kanyang pagmumukha ang hawak nitong isang spare rib.

"Yes, boss."

Natawa si Sloane nang mag-umpisang kumain ang babae na nakakamay at madaming kalat sa paligid ng madaming platong nakahain sa harapan nito. Walang pagpipigil, wala nang poise-poise.

My Husband Next Door (PREVIEW ONLY)Kde žijí příběhy. Začni objevovat