Part 3 (SPG)

199K 3.2K 5.3K
                                    



SO it was not a joke! Seryoso talaga ang Daddy ni Sloane sa sinabi nitong magpapakasal siya sa babaeng napili nito. Naipaliwanag na sa kanya ang dahilan ng kasalan at naglo-loading pa rin ang kanyang utak. "Bakit ako?" bulalas ni Sloane na naturo sa kanyang ilong. "Andiyan naman si Ate na mas matanda sa akin, siya ang ipakasal ninyo—"

"Nakinig ka ba sa lahat ng sinabi ko?" bulyaw ni Francis sa kanya. "Nag-iisang babae ang lehitimong anak ni Vasco."

Umangat ang pang-upo niya mula sa silya sa harapan ng desk ng ama. "P-pero Dad, ayoko pang mag-asawa!"

Nagpapasaklolo ang tingin ni Sloane sa kanyang ina na nakasilip lamang mula sa labas ng library. Kapag ganitong galit si Francis kay Sloane ay hindi nito hinahayaan si Natalia na gumitna sa kanilang mag-ama. Dahilan ni Francis, kaya lumaking matigas ang ulo ni Sloane ay dahil iyon sa pang-i-spoil ni Natalia rito.

"And why is that? Dahil ayaw mong matigil ang kalokohan mo sa mga babae?"

"Anong kalokohan? may nabalitaan na ba kayong niloko kong mga babae?"

Ngumisi si Sloane nang hindi nakasagot si Francis. Palihim pa siyang kumindat sa kanyang Mommy na ikinatawa naman nito.

"You need to settle down, Sloane. And this is the perfect time for you to do it," diin ni Francis na magkasalikop ang mga daliri na bumabayo sa ibabaw ng kaharap nitong mesa.

Sumimangot siya. "That's not fair. You want me to get married because of our business."

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Not fair? I am saving your ass, you idiot! Sa kalikutan mo sa mga babae ay hindi magtatagal ay mahahawa ka sa STD o magkakaroon ka ng unwanted children. At gaya ng sinabi ko sa iyo, wala kang mamanahin kahit na singkong duling kapag hindi mo ako sinunod."

"You can't do that! Anak n'yo ako, may karapatan ako sa yaman ninyo."

He has money, alright. Ibinigay na sa kanya ni Natalia ang parte niya umano sa lahat ng kinita nito sa showbiz. Sa gastusin naman ay gamit niya ang mga debit at credit cards na binabayaran ni Francis. Pero hindi puwedeng wala siyang mamanahin sa kanilang negosyo. Bilyon-bilyon ang kanilang assets!

"I would rather give your share to charities! Sisiguraduhin kong mahihirapan kang i-contest iyon sa korte."

"Dad naman!" Muli siyang tumingin sa kanyang ina. "Let me think about it, alright?" apela niya. Para sa pera, kaya niya naman sigurong gawin ito, hindi ba? "Bigyan n'yo muna ako ng time na—"

"I already said yes to Vasco. Hindi ko na iyon babawiin pa. Magpapakasal ka kay Helga ."

I'm so fucking dead!

Sloane started to panic. Ni hindi pa niya alam kung ano ang pagmumukha ng mapapangasawa niya! Paano kung kamukha pala ni Valak iyon?

Noon na lumapit sa kanila si Natalia. "Anak, I think tama ang Daddy mo," banayad nitong sabi sa kanya.

Halos malaglag ang kanyang eyeballs sa kabiglaan. "Mom, you can't be serious!"

Umupo ito sa reading chair doon at bumuntonghininga. "Gusto kong maging tahimik na ang buhay mo, Sloane."

"Kung iyong away sa club last month ang tinutukoy n'yo—... Mommy, maniwala kayo, hindi ako ang nag-umpisa niyon, nadamay lang ako."

"I know and I believe you." Nagkibit ng balikat si Natalia. "Pero naniniwala rin ako na hindi ka matututo sa buhay hangga't hindi ka natatali."

Nagkamot ng ulo si Sloane. "You're confusing me. Sabi ninyo ay dahil sa business lang ang kasal na ito, bakit parang seryosohan yata?"

"Hey, I don't want you messing around while you're married," banta sa kanya ni Francis. "Irerespeto at pag-aaralan mong mahalin si Helga."

My Husband Next Door (PREVIEW ONLY)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora