Part 4

164K 3K 5.3K
                                    



AGAD na humiwalay si Sloane mula sa kasiping. Tumili naman si Libby at pagkataranta ay hindi ito nakaakyat ng kama, nahulog ito sa sahig. Mabilis naman nitong hinila ang kumot mula sa kama at ibinalot sa kahubdan.

Pinulot naman ni Sloane ang isang unan at itinakip iyon sa kanyang ari. "Hey, cut it out!" awat niya sa lalaki na lumalapit pa sa kanila.

Nang bahagyang ibinaba nito ang hawak na smartphone ay puno ng disgusto ang mukha nitong tumingin sa kanila ni Libby. The man looked like in his forties, hindi ito katangkaran at malaki ang tiyan.

"Holy shit," usal ni Sloane. Parang nahuhulaan na niya kung sino ang lalaking ito. Agad siyang nagtaas ng mga kamay pero dahil sa ginawa niyang iyon ay nahulog naman ang unan na pinangtatakip niya sa pagkalalaki. "Look, I didn't know—"

"Mga putang-ina!" bulyaw ng lalaki. Alam ni Sloane na gusto siya nitong sugurin pero nagdalawang isip ito dahil di hamak na mas bata siya rito at mas malaki ang katawan. "Sa mismong bahay ko pa kayo—"

"This is not your house, George!" tili naman ni Libby. "Bahay ko ito! Nakakalimutan mo na bang pinaalis kita dito last month nang nahuli kitang nambabae?"

"Bitch!" gigil na mura kay Libby ng lalaki saka binalingan si Sloane. "You, asshole! Leave my house right now or I swear I will fucking shoot you!"

Nag-umpisang magsigawan ang dalawa na natuklasan niyang mag-asawa pala, na matagal nang nambababae si George at ilang beses nang nahuli ni Libby.

See that shit? Kaya ayaw niyang mag-asawa, eh. Fine, his parents' marriage was nice and all, but who could guarantee that he would get the same thing, too? Lalo na ngayon na sapilitan lang siyang magpapakasal.

Nagmamadaling pinulot ni Sloane ang kanyang mga damit sa sahig at kandarapa siyang lumabas ng silid. Dinig na dinig pa niya ang pangba-blackmail ni George kay Libby na ipapakalat nito ang video kung itutuloy ng babae ang annulment. Hindi naman natinag si Libby.

Tumuloy si Sloane saglit sa kanyang tirahan upang maligo at magkape. Maaga pa kaya lumabas uli siya at bumalik sa club. Nadatnan niya ang kaibigang si Cole na kasama niyang nagpunta roon kanina, hindi pa rin pala ito umaalis.

Naka-focus ang atensiyon ni Cole sa smartphone nito nang lumapit siya rito. Kundi pa niya tinapik ang balikat nito ay hindi nito namalayang nakatabi na siya ng upo rito sa bar counter.

"Sloane!" nanlalaki ang mga matang bulalas nito pagkakita sa kanya.

"O, bakit?"

"What the hell, pare?!" gulat, natataranta at natatawang sabi ni Cole sabay angat ng smartphone sa harapan ng kanyang mukha.

Si Sloane naman ang pinanlakihan ng mga mata sa nakita sa smartphone.

"Holy fuck!"

"Si Libby itong babae, hindi ba? We met her just a few hours ago— so, kanina lang ito?!"

Inagaw niya ang smartphone ng kaibigan. Sa Facebook ang nakita niyang kinaroroonan ng picture niyang may nakatakip na smiley face sa kanyang ari, pink hearts naman ang nakatakip sa pang-upo at mga dibdib ni Libby. Still image iyon ng video kanina ng asawa ni Libby, from some stupid meme page in the Philippines that has half a million followers; sa caption ng picture ay may link na nakalagay kung saan makikita daw nang uncensored ang buong video.

"Trending na agad?" natatawa niyang sabi sabay balik ng smartphone kay Cole.

"What do you expect? Anak ka ng isang kilalang beteranang actress sa Pilipinas, saka nasa modelling ka rin for a while. Of course, magiging malaking balita ito! And to top it all, you fucked a married woman and her husband caught you in the act!" iiling-iling na litanya ni Cole.

My Husband Next Door (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now