Part 7

109K 3.2K 3.6K
                                    



"NAKAGAWA na ba kayo ng prenuptial agreement?" tanong kay Helga ng kanyang Lolo Juanio nang isang hapunang magkasama silang mag-ama na nagpunta sa bahay nito.

Eighty-five years old na ang biyudong si Juanio Limcauco Tuazon pero malakas at malinaw pa ring mag-isip. Batas pa rin ang mga salita nito para sa anak nitong si Vasco.

"Mag-uusap pa lang po kami tungkol diyan," sagot ni Helga sa abuelo.

"Siguraduhin mong papayag siyang walang makukuhang anuman sa kayamanan ninyo ang mga magiging anak niya sa labas."

Nagkatinginan ang mag-ama sa tinurang iyon ni Juanio. Ganoon din kasi ang set-up sa pangalawang pamilya ni Vasco. Kaya alam ni Helga na lihim na bitter si Leslie sa kanya na hanggang ngayon ay hindi mapakasalan ng ama niya dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng matandang Tuazon. Hindi rin siya malapit sa dalawang kapatid sa labas na sina Elian at Jersey.

"Balita ko ay palikero daw ang mapapangasawa mo. Kailangan mong mag-ingat. Baka hindi lang isang babae ang ibabahay niyan," sabi pa ni Juanio sa apo.

"Ako na pong bahala, Lolo," sabi ni Helga.

"Make it sure, Vasco," baling ng matanda sa anak nito.

"Yes, 'Pa," maagap namang sagot rito ni Vasco.

"You need to get pregnant very soon, Helga. Gusto kong makita ang great-grand child ko bago ako mamatay," bilin pa ni Juanio.

Kinilabutan si Helga sa narinig. Gusto niyang ihanda ang sarili para sa pagdadalangtao, pero sa loob-loob ay naroroon pa rin ang agam-agam. Lalo pa't... God Almighty! Ayaw daw ni Sloane na gumawa sila ng bata sa pamamagitan ng artificial insemination.

Pilit niyang iwinaglit sa isipan ang napipintong pagparada doon ng mahahalay na eksena. Ang sama talaga ng epekto sa kanya ng lalaking iyon!

"Matagal pa po kayong mabubuhay, Lolo. Remember, nasa genes ng Tuazon ang mahahaba ang buhay," sabi niya na lang.

Pinanlakihan naman siya ng mga mata ng kanyang ama. Ayaw na ayaw nitong kumokontra siya sa anumang sasabihin ng lolo niya. Pasimpleng nagkibit-balikat lamang siya rito.

"Mahirap ba talaga sa iyo ang bastang umoo na lang?" sita ni Vasco kay Helga nang nasa lanai sila ng mansion ni Juanio at nagtsa-tsaa. Nagpaalam na noon ang matanda sa kanila para matulog.

"Papa, I'm not you," pigil ang inis na sabi ni Helga.

"Hindi mo nga ako katulad. Kay Mathilda mo nakuha ang katigasan ng ulo at loob mo."

You got that right.

Sinusunod man ni Helga ang mga kagustuhan ng ama para sa kanya ay hindi niya itinatago ang pagtanggi at disgusto kung may ayaw siya. Kahit man lang sa paghayag ng opinyon ay magkaroon siya ng kalayaan, hindi niya kailanman hinayaan ang sariling maging pipi kahit ang pakiramdam niya'y nakatali ang kanyang mga kamay. Alam ni Vasco na labag sa kanyang loob ang pagsunod sa mga utos nito at ginagawa lamang niya iyon para sa tungkulin sa pamilya Tuazon.

"Hindi naman ako tumatanggi sa kagustuhan ninyo, hindi ba? Pakakasal ako para sa negosyo natin. Iyon naman talaga ang dahilan kaya ipinanganak ako," paalala pa ni Helga sa ama.

She was barely nineteen when her mother died in a car accident. Kasama ni Mathilda noon ang dalawang kaibigan, galing daw sa pagka-casino. Mathilda was against the fixed marriage to Vasco but her hands were tied, too. Wala itong magawa dahil wala itong makukuhang pera mula sa pamilya nito kung tatanggi ito sa kasunduan. Mathilda partied, traveled and gambled while married to Vasco. Ibinahay naman ni Vasco ang babaeng gusto nito at iyon ang itinuring nitong tunay na pamilya. Helga was raised by a nanny and their house helpers.

My Husband Next Door (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now