Part 14

91.2K 3K 3.4K
                                    



TATLONG araw bago
ang kasal ni Sloane ay hindi naman nagpapigil ang kanyang kaibigan na bigyan siya nito ng surprise stag party sa kabila ng pagpo-protesta niya.

"Right. There was nothing to celebrate!" tatawa-tawang sabi ni Cole na nagdala ng kanilang mga kaibigan at kakilala sa kanyang bahay kasama ang mga babaeng sa tingin niya ay high-class escort girls o prostitutes.

"Hey, baby!" It was Alexa. Agad itong nangunyapit sa kanyang leeg.

Naaalibadbaran si Sloane na kinalas ang mga kamay ng babae. "We've already talked about this," matigas niyang sabi rito. "I am not gonna repeat myself again."

Alexa scoffed at him, hindi ito makapaniwala. "What, so natikman mo na 'yung pakakasalan mo—"

"I told you not to talk about her like that!" singhal niya rito. "And, you!" inis na baling niya kay Cole. "Tarantado ka talaga, Colberto. Sinabi ko nang ayaw ko ng stag party, hindi ba?"

"Kung ayaw mo, e 'di kami ang mag-e-enjoy!" tatawa-tawang sabi naman nito.

Ni hindi niya kilala ang ibang kalalakihang naroroon, o baka nakasalamuha na niya dati sa Alonte Talents, Inc., hindi lamang niya matandaan.

"Larkin was supposed to be here, kaso biglang na-move nang mas maaga 'yung photoshoot niya sa China," sabi pa ni Cole.

"Larkin?" kunot-noong usal ni Sloane. Sa pagkakatanda niya, dalawang beses na rin niyang nakahalubilo sa personal ang sikat na Fil-Am supermodel.

"Yes. Alam mo bang kilala niya pala si Helga? Kapitbahay daw niya dati."

"Whatever, man. Ikaw na'ng bahala dito. Lalabas lang ako." Dinampot ni Sloane ang susi ng kotse na nasa ibabaw ng console table.

"O, saan ka pupunta?" sita ni Cole.

"Sa bagong bahay ko."

"Saan 'yun?"

Hindi niya ito sinagot, tuloy-tuloy siyang lumabas ng kanyang bahay.

Three weeks nang mahigit. Putangina, kailangan na niyang bigyan ng trophy ang sarili dahil nakatagal siya nang ganoon na walang kinakatalik na babae. Hindi niya itatangging he was being sexually-frustrated. Hindi pa siya nagkakaroon ng blue balls nang ganito katagal. Ang pinakahabang pagkadiyeta niya sa sex ay isang linggo. At iyon ay dahil tinamaan siya ng trangkaso.

Pagkapasok niya sa bakuran ng bahay ni Helga ay natanaw niya ang babae na nasa lanai. Pagkaparada niya ng kanyang kotse sa harapan ng staff house ay pinuntahan niya ito.

"Good evening," nakangiting bati ni Sloane sa babae na nakaupo sa rattan lounge chair at nakahawak ng iPad.

"Good evening," bati naman nito pabalik na saglit sumulyap sa kanya.

"Are you busy? I can leave if you're working—"

"No, I'm just reading a book." Ibinaba ni Helga sa kandungan ang iPad. "What do you want, Sloane?"

"Nothing. I just want to spend the night with you, I guess," sagot niya saka umupo sa silyang kaharap ng lounge chair.

"You guess?"

Natatawang nagkamot ng batok si Sloane. "Sabi ko na sa iyo, hindi ako nagpaplano madalas."

"Kumain ka na ba?"

Shit. Concerned?

"Uh, yeah."

"Sloane, why are you here?" hanggang sa dudang tanong ni Helga.

Nakangiwi siyang sumagot. "Umalis ako sa stag party ko."
Hindi niya maipaliwanag ang facial expression ng dalaga. Nakatingin ito sa kanya na para bang isa siyang kakaibang nilalang.

My Husband Next Door (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now