Chapter Thirty One

207 4 0
                                    

"I wanna be your end game. I wanna be your first string. I wanna be your A team.."
End Game - Taylor Swift

It's our second day today here at San Fernando!

Pagkarating kahapon rito sa Isla ay wala kaming ibang ginawa kundi kumain at matulog since lahat kami ay pagod sa byahe.

Kaya ngayong araw na 'to naisipan naming simulan ang 'adventure' na sinasabi nila.

Lumabas ako sa balkonahe ng kwarto namin at napatingin sa magandang dagat na nasa harap 'ko. Napayapos ako sa sarili 'ko habang dinadama ang sariwang hangin sa umaga.

It relax me. How I wish ito ang makikita 'ko kada umaga.

Hindi nawala ang tingin 'ko sa malinaw na dagat na abot tanaw 'ko. Halos sa sobrang linaw nito ay makikita mo na ang puting buhangin sa ilalim. Sa pangpang naman ay maeenjoy mo ang sobrang pinong white sand.

Kami lang ang tao rito sa San Fernando since hindi 'to alam ng mga tao at mahirap rin daw itong mahanap. Nang tanungin 'ko kahapon si Captain Simon ay sinabi niya lang sakin na kilala raw itong Isla na ito as Hidden Island. Pero ni minsan daw ay wala pang nakakita rito.

Tanging ang pamilya lang ni Chandrick ang may alam. Well syempre pati ang pinagkakatiwalaang Kapitan na si Capt. Simon. Idagdag pa si Mang Fidel na naghahawak ng susi nitong tinutuluyan namin.

"You ready girl?" Tanong ni Erika mula sa likuran 'ko. Pagtingin 'ko sa kanya ay naka One piece bikini siyang suot. It's color White. Mas lalo tuloy na enhance ang pagka morena niya.

"Yup!" Masayang usal 'ko.

Biglang sumilip mula sa pinto ng balkonahe si Sarah at nakita 'kong naka two piece bikina na color green siya. Nakita ko tuloy ang hubog na hubog niyang katawan. Pati ang malaki niyang-- nevermind.

"I think your not ready. Ba't naka t-shirt ka?" She asked.

I gulped. Nahiya. "H-Hindi ko kaya magsuot ng ganiyan." I honestly said.

Nagkatinginan silang dalawa saka ngumiti. "Girl, You'll scare the shit out of the fishes kung naka ganyan ka." Saad ni Sarah.

Mag s-snorkling kasi kami ngayon. Actually wala naman akong balak mag snorkling since hindi ako marunong lumangoy. Balak ko sanang magpaiwan nalang sa Yacht mamaya.

"P-Pero hindi naman ako-" Hindi 'ko natapos ang sasabihin 'ko ng magsalita si Erika.

"I know!" Biglang tili ni Erika saka ako hinila papasok.

May inilabas siya sa bagahe niya na kung ano. Since 1 week kami rito ay napagpasyahan nilang lahat na magpadala ng mga damit nila rito. Si Mang Fidel ang nagdala ng mga bagahe nila kahapon matapos itong iwan ng mga magulang nila sa kanya.

And since naglayas nga ako ay kinailangan pang utusan ni Chandrick ang anak ni Mang Fidel na si Shiela para ibili ako ng mga bagong damit. Hindi na ako nakahindi dahil bago ko pa malaman ay mayroon ng bagahe na nakalaan para saakin paggising 'ko.

"Try this one!" Inilabas ni Erika ang isang black fitted top na parang sports bra. May design ang strap nito sa likod na butterfly. Then next ay naglabas naman si Sarah ng Maong short at color red see through.

Nang makapagpalit ako ay nahihiya akong humarap sa kanila.

"U-Uhm ano--" napakamot ako sa ulo 'ko. Halos nakanganga sila ngayon sa harap 'ko kaya pinilit kong tumawa. "S-Sabi 'ko nga hindi bagay, magpapalit na 'ko--"

"NO!" Nabigla ako ng sabay silang sumigaw. Sumilay ang ngiti sa kanilang dalawa.

"That suits you! Wag ka magpalit!" Saad ni Erika.

Picture PerfectWhere stories live. Discover now