Chapter Two

665 30 16
                                    

"That i've fallen down, and I can't do this alone.
Stay with me, this is what I need, please~"
•My Heart - Paramore

She didn't know kung anong sumapi sa kanya para tarayan si Chandrick na nasa harapan niya.
She didn't know what exactly she did back there. She once thought na mali ang iniasta niya.






"My god, Zoe!" Tawang tawang usal ni Louise habang nagmamaneho. Pabalik na kami sa venue kung saan nagaganap ang partnership ng Nicholas-Velasco. "What you did back there was so mean!"

Napakagat ako sa kuko ko. Napapangiwi. Nag aalala. Kinakabahan.

"N-Nabigla ako eh." Sagot ko.

Napailing si Louise habang natatawa parin. "I'm sure natakot na 'yon sayo."

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Natakot? Teka, g-ganon ko ba siya natakot? Hindi naman ganoon ha? N-Nabigla lang ako." Sagot ko.

Totoo naman 'eh. I didn't thought of any idea how am I supposed to answer what he said! Ang gusto ko lang kanina ay makaalis na agad sa lugar na 'yon dahil kinakain nanaman ako nang kahihiyan.

Hindi na nakasagot si Louise nang nasa tapat na kami ng Venue. Lumabas na kami at sabay na pumasok galing sa backyard.

Naghiwalay na kami ni Louise, dahil pumunta siya kay Tito Fred-ang daddy niya. Agad ko namang hinanap si mom at nakita siya sa bandang gilid.

"Hi, mom." Bati ko.

Napahinga siya ng malalim nang makita ako. "Where have you been? Nag alala ako."

Nangiti ako. "Kasama ko po si Louise, mom. No need to worry."

"Where is she?"

"Pumunta na po kay Tito Fred." Sagot ko.

"Okay. Maya maya, uuwi na tayo." Saka ako nginitian ni mom.

~•~

"Zoe, hingi ako papel."

"Me too Zoe."

"Oy oy ako rin!"

Nginitian ko silang lahat at saka binigyan isa isa ng papel. May long quiz kasi kami sa Business Com ngayon. Agad naman silang nagsialisan pagkakuha nila ng papel.

I am taking up hotel management.

Itinago ko na ang papel ko at saka inilabas ang phone and headset ko. Nakinig muna ako ng music habang wala pa si Ma'am Nina.

Sakto naman na biglang dumating si Louise na halos umabot na sa sahig ang nakapout niyang labi.

"Hello, Louise."

"Hi, Louise." Bati sa kanya ng ilan.

Hindi naman niya ito pinansin at saka pabagsak na naupo sa tabi ko.

Yes. Classmates kami dito sa subject na 'to. But she's taking up othed course. Business Management to be exact.

"Anong nangyare sayo?" I asked.

Napangiwi siya. "Nakakainis si Jeff! Damn him!" Inis na usal niya.

Napailing ako. "Ano na naman ba ang pinag awayan niyo?"

"Eh kasi magkaaway kami kagabi tapos hanggang ngayon wala paring text! Huh! Bahala siya! Ako? Ako na maganda susuyuin siya?! Tsk!" Singhal niya.

Napalunok ako. Hindi makapaniwala. "Louise, calm down, okay? Baka naman tulog pa."

Picture PerfectWhere stories live. Discover now