Chapter Nine

310 18 29
                                    

"Lights will guide you home, and ignite your bones. I will try, to fix you."
Cold Play - Fix You



"WAAAAAAH! OH MY GOD! OH MY GOD! WAAH!" Biglang tili ng malakas ni Louise out of no where kaya naman nasinghalan siya dito sa library. Hindi niya naman ito pinansin bagkus ngiting ngiti pa siyang humarap saakin.

Busy naman akong nagbabasa para sa exams namin mamaya.

"Ikaw ha! Nag date pala kayo ni Chandrick! hindi ka man lang magkwento!" Singhal niya. Nagtatampo.

Napangiwi ako. "Wala namang dapat ikwento." Sagot ko habang wala ang tingin sa kanya kundi nasa makapal na libro na binabasa ko.

"Eh kahit na! So ano nang nagyare?" Tanong niya.

I look at her at saka napailing. "Wala louise. Malakas lang talaga ang sapak niya sa ulo."

Tumawa si louise. Halatang kilig na kilig sa wala namang kakilig kilig na bagay. "Sapak sa ulo pero nagdate kayo!"

"Hindi date 'yon."

"Oo kaya!"

"Hindi nga."

"Oo--" naputol ang intrada ni louise nang may marinig kaming nag uusap sa kabilang table.

"Nakita mo ba si Mr. C ngayon?"

"Hindi eh. Balita 'ko aalis si Ayen ngayon papuntang London. Baka ihahatid niya."

"Oh? Akala ko ex na 'yon ni Mr. C?"

"Ewan ko eh."

Hindi ko nalang pinansin ang bulungan kahit dinig na dinig ko to sa lapit ng lamesa nila.

Pero napaisip ako..

Ayen? London? Ex?

"I'm leaving. Mamaya na ang flight ko papuntang London. Chandrick..kiss me please.."

Napangiwi ako sa naalala saka napalunok.

So ex niya ang babaeng naka halikan niya sa madilim na parte ng hagdanan?

Napasinghap ako. Napailing. akala ko ba may girlfriendS na siya? Bakit pati ex hindi niya pinapatawad?

nawala naman ako bigla ng gana magbasa kaya naman sinaksak ko nalang sa tenga 'ko ang earphones ko.

Pero kahit nakikinig ako ng music, mukha niyang nakangisi ang bumabalandra sa utak ko!

"Tsk." Napa face palm ako.

"Oy? Ano yan? Porket narinig mo yon biglang ganyan mood mo ha?" Ngumisi si louise saka nagsuklay ng buhok. "Affected ka no?"

Napataas ang gilid ng labi 'ko. "Hah. No i'm not."

"Oh Zoe, your not good at lying dear." Saka mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Loka loka talaga.

Napailing nalang ako. "Ewan ko sayo louise. May exam tayo. Mag aral ka. Cr lang ako." Paalam ko saka tumayo at diretsong lumabas ng library.

Picture PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon