Chapter Twenty Eight

190 4 0
                                    

"I won't give up on us. Even if the stars get rough. I'm giving you all my love.."
I Won't Give Up - Jason Mraz


Kinabukasan, agad akong nagtungo sa kusina para mag agahan. Sakto naman na present lahat ng tao rito. Well, maliban kay Kuya Jase. Siguro ay parehong kakauwi lang ni Mom and Dad ngayong umaga.

Nasa magkabilang gilid ng hapagkainan sina Mom and Dad. Nasa harap 'ko naman si Eve na busy sa pagkain.

I wonder if she still remember what happened last night..

Habang tahimik kaming kumakain ay binasag ni Dad ang katahimikan.

"How's your party last night?" Seryosong tanong ni Dad.

Eve smiled at him. "It's fun! We all have fun." The she giggled. "Nakakapagod nga lang."

"Very well." Ngiting tugon ni Dad. Napabaling siya kay Mom na busy lang rin sa pagkain. "How about you Celine? Balita 'ko ay nag over time ka sa trabaho kagabi."

"Same as you." Walang lingon lingon na usal ni Mom kay Dad. Patuloy lang ito sa pagkain. Siguro ay hindi niya kinakaya na nasa harap niya lang ang bunga ng kasalanan nina Dad and Tita Hillary.

I saw Dad smirked. "Really huh?"

Mom rolled her eyes. "What is it to you, Francis?"

"I'm just curious." Saad ni Dad.

"Don't be." Sarkastikong usal ni Mom.

Nanatili akong tahimik kahit alam kong may nabubuong tensiyon sa kanilang dalawa. Pinilit kong kumain nalang at hindi sila pinansin.

"Zoe," Napabaling ako kay Mom nang tawagin niya ako.

"Yes Mom?"

"I'm having a business trip for 1 month starting tomorrow. You wanna come with me?" Mom ask me while she's smiling.

I blink twice dahil sa tinanong ni Mom. Hindi dahil sa biglaan ito kundi alam kong gusto niya akong isama para makalayo muna saglit kina Dad and Eve.

Mom know's that I'm suffocated here at home. Hindi ko na kailangan magkwento sa kanya dahil mukhang nahulaan niya na.

"Intramurals niyo this week right?" Mom ask. "So, pwede kang sumama saakin. What do you think, anak?" She asked. "That would be a great escape for school works." Mom emphasized the word great escape. Pakiramdam ko ay sinabi niya iyon hindi talaga dahil sa school works 'ko, kundi para makatakas muna saglit kina Dad and Eve.

I know Mom's doing this because she's concern about me.

I smiled at my Mom. "Sige po Mom I'm com--" naputol ang sasabihin 'ko ng magsalita si Dad.

"Your not coming with your Mom." Seryosong saad niya.

Napayuko ako. Napahinga ng malalim. I should've seen this coming. Na hindi niya ako papayagan.

Mom laugh sarcastically. "Why not? Anak 'ko siya Francis."

"And she's my daughter too." May diing usal ni Dad.

Mom smirked at him. "Wow. That is new. Tinuturing mo pa pala siyang anak."

"Enough Celine." Usal ni Dad.

Pakiramdam 'ko ay nakalimutan nilang nasa harap lang nila akong dalawa. Pakiramdam 'ko ay nalulunod ako sa sagutan nilang dalawa.

I stopped eating. Napatingin ako sa kawalan habang nagsasagutan parin sila.

"Isasama 'ko si Zoe, Francis. Wether you like it or not."

"No you don't."

"Bakit? Takot kang ilayo ko sayo ang anak mo? Iniisip mo ba na itatakas 'ko siya? Mula sayo?" I heard Mom laugh sarcastically. "That's insane."

Picture PerfectWhere stories live. Discover now