Chapter Three

509 24 17
                                    

"I wish that I could wake up with amnesia. To forget about this stupid little things~."
Amnesia - 5 Seconds of Summer







Maaga akong nakauwi dahil wala na kaming pang hapon na pasok. Pagkapasok ko sa bahay namin ay umakyat agad ako sa kwarto since parang pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Ibinaba ko ang bag at nahiga sa kama. Pumikit at pinahinga ang sarili.

"You're just not in time. Alam ko 'yon, Mage. Matagal na."

Napangiwi nalang ako sa thought na sumagi sa isip ko. Kapal.

At talagang tinawag niya ako sa pangalang Mage? Huh.

Hindi na ako nagulat nang biglang may mainit na dila na lumapat sa pisngi ko. Agad akong napangiti nang makita ang aso kong si Max na dinidilaan ang mukha 'ko.

"Hey, Max." Umupo ako at saka kinalong siya. Todo dila naman ito sa kamay kong humahangod sa mahaba niyang balahibo. "How's your day? Miss me?" Tanong ko.

"Arf arf!" Sagot naman nito.

Kinarga ko ito saka niyakap.

"What are you talking about Celine?! For petes sake! Nagtatrabaho rin ako!"

"Ang sabihin mo,nambabae ka lang, Francis!" Rinig kong sigaw ni mommy. "Lagi kang wala dito! Tapos ako pa ang sisigawan mo?!"

Napahinga ako ng malalim dahil sa narinig galing sa baba, ibinaba ko si Max sa lapag.

"Stay here? Okay?" Sabi ko rito.

"Arf!"

Napangiti ako. "Good girl."

Tumayo ako at saka bumaba sa sala. Nadatnan ko naman sila Mom and Dad na nagsisigawan. Si Dad na todo bulyaw at si Mom na nakaupo na ngayon sa couch at dinededma si Dad.

"Celine! Ginagawa ko naman lahat diba? Umuuwi ako dito kahit--"

"Kahit ano? Kahit nandoon ka sa babae mo?" Litanya ni Mom.

Napalunok ako saka dumiretso sa Kusina. Nang buksan ko ang ref ay no'n lang ata nila napansin ang existence ko.

"Mage.." lumapit sa akin si Dad at saka ako niyakap. "Kausapin mo nga ang Mommy mo. Hindi nakikinig saakin."

"Wag mong bilugin ang utak nang anak mo, Francis. Dahil alam niyan ang pambababae mo." Usal naman bigla ni Mom saka umakyat papunta sa taas.

Naiwan kami ni Dad.

Napahinga si Dad saka napapikit. "Talk to your Mom, Mage."

Hindi naman ako makapagsalita. Tinignan ko lang si Dad.

"Lagi niya nalang akong ginagalit. Talk to her, okay? Sabihin mo na wag na akong awayin."

Napaiwas ako nang tingin. "But Dad, wala saakin ang desis--"

"Please Mage. For our family." Dagdag ni Dad.

Hindi ako nakapagsalita.

Napaismid ako saka napahinga nalang ng malalim.

~•~

"Zoe? Samahan mo ko sa music room. Mag au-audition ako." Yaya ni Louise habang nakaupo kami dito sa may bench.

Naka earphones ako pero narinig ko parin siya. Kaya naman tinanggal ko 'to.

"Audition for what?"

Picture PerfectUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum