Chapter Twenty

259 14 0
                                    

"Sa ilalim ng puting ilaw..sa dilaw na buwan. Pakinggan mo ang aking sigaw..sa dilaw na buwan."
Buwan - Juan Karlos




"Nice too see you again, ate."

Nang makaalis sila ni Dad ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Napahawak ako sa sintido 'ko ng wala sa oras.

"Zoe?" Napalingon ako sa left side 'ko at nakita ko si Mom. she's clueless while looking at me. "What's wrong?"

Napailing ako.

Mukhang hindi alam ni Mom ang nangyari kanina. She didn't know na pumunta rito ang isa pang anak ni Dad. She didn't know na kamuntikan na niya itong makita.

So..Mom didn't know about that thing..

Sasabihin ko ba?

"Are you okay?" She ask.

Napalunok ako. "Mom,"

"Hm?"

I sigh. "Wala po. Pahangin lang po ako." Saad 'ko nalang saka umalis roon. Hindi pa man din ako nakakalabas sa malaking pintuan ay nakita ko na si Erika na paparating.

"Zoe!" Ngiting salubong niya saakin. I smiled at her then hug her. Nangunot bigla ang noo niya. "Hmm..I sense something different." Bungad niya.

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Mabilis talaga siya makakilatis ng bagay bagay.

"Your'e not okay." She said seriously. It's not a question. She knew it. Alam niyang may hindi kaaya ayang nangyari kanina lang. She sigh. "Come on. Labas tayo." Yaya niya.

Nailing ako. "No. You should come inside first. Enjoy the party." Saad 'ko.

Natawa siya. "Kahit mahilig ako sa party, kaya 'ko yan ipagpaliban just for my friend." She said sweetly. "Kaya tara na!" Hinila niya ako at sumakay kami sa Montero Sports niya. She drove fast at halos wala na akong makita sa daan.

"Erika calm down!" Sigaw ko.

She laugh. "I'm calm, Zoe."

Natawa na rin ako. "Parang hindi ka naka gown kung magmaneho." Kantyaw 'ko.

"Eh gusto 'ko na ngang hubarin eh. Nangangati ako." Saka siya tumawa ulit.

Erika is wearing a fitted white backless long gown with short slit on the right side. Naka ponytail lang naman ang sobrang haba niyang itim na buhok. Bumagay sa morena niyang kutis. Kung titignan mo siya ngayon ay kamukhang kamukha niya si Ariana Grande.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong 'ko.

"Basta." Saad niya habang parang nakikipag karera sa mga kasabayan namin. Kung saan saan siya dumadaan ng halos walang hinto.

Nang huminto na kami ay parang masusuka pa ata ako.

She laugh ng makita ang mukha 'ko. "Oh my god! You look pale!" Kantyaw niya.

"Shut up." Bulalas ko pero agad ring natawa.

Bumaba kami ng kotse at doon ko lang nakita kung nasaan kami. Were in the nearest forest. I don't know na mayroong ganito sa lugar namin. Nang lumapit ako ay may cliff pala sa unahan pero nakamamangha dahil kita rito ang buong lugar.

Picture PerfectWhere stories live. Discover now