Chapter Thirty

218 3 0
                                    

"Yakapin mo ako. Kahit hindi na totoo. Maiintindihan naman kita. Kung sawa kana, kung saan ka sasaya.."
Oks Lang Ako - JRoa

"I'm excited as hell! Fuck this trip! This is sooo gonna be fun!" Masayang usal ni Sarah habang ngiting ngiti. Nasa unahan siya nitong Van katabi si Jaden na nagda-drive.

"Lagot di ako nagpaalam kay Earl!" Bulalas ni Erika kaya naman napatingin ako sa kanya. She's beside me while she's typing a text for Earl-his boyfriend. Ngayon 'ko lang nalaman na may boyfriend siya.

Nanatili akong tahimik habang nandito kaming pito sa loob ng Van. Halos hindi pa natatagal noong sunduin nila kami ni Chandrick sa may Southland.

Magkakasama pala sila sa night out kanina kaya naman sama sama na silang pumunta rito.

I didn't know that Erika and Sarah are fond of night clubs.

Napapagitnaan nila akong dalawa ni Chandrick and Erika. Erika is busy typing a text for Earl. Sarah and Jaden are busy talking, Angie and Nico on the other hand are at the back of the Van. They're not talking to each other. Halatang hindi pa sila magkakilala.

Balita 'ko kasi ay dinaanan lang si Angie nila Erika kanina sa bahay nito para makasama saamin. Ginising pa nila ito kanina kaya naman nakabusangot ngayon.

Mabuti nga't nakapag paalam sila sa mga magulang nila kahit biglaan.

Gusto 'ko sanang magsorry sa kanila dahil nadamay pa silang lahat sa paglalayas 'ko pero minabuti 'kong tumahimik nalang.

"Saan ba ang Holiday Trip natin this time?" Masayang tanong ni Jaden. His eyes is on Chandrick while looking on the mirror.

"San Fernando." Casual na saad ni Chandrick.

Nanlaki naman ang mata ni Jaden! Nabigla pa ako ng may pumalo sa upuan ' ko sa may bandang backseat! Napalingon ako roon and saw Nico and his wide open eyes!

"Your serious as fuck right?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nico.

Tanging tango lang ang tinugon ni Chandrick sa kanila. Hindi 'ko naman alam kung bakit big deal sa kanila ang pag punta sa San Fernando.

"Whoa..this is new." Saka humalakhak si Jaden. "Siya lang pala ang magpapapunta sayo doon."

Hindi 'ko naman iyon na'gets kaya napalabi ako. Sinong siya?

My eyes widen when Chandrick suddenly kick Jaden's seat!

"Gago." Bulong ni Chandrick habang natatawa.

"Fuck you people. Nag text si Tita. Baka pagalitan ako na hindi ako nagpaalam sa kanya na 1 week akong mawawala!" Biglang saad ni Sarah kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Yes. 1 week nga pala kaming mawawala since 1 week din ang Intramurals sa school at walang pasok.

I saw Erika rolled her eyes. "Come on Sarah. Your an expert to this, remember?" Pang aasar nito. "Besides, nakasalubong ko ang Tita mo last friday, tinatanong niya kung nakita raw kita sa klase mo, and I said yes! Even though alam 'ko na hindi ka talaga pumapasok." Then she smirked. "I just saved your life darling."

Sarah rolled her eyes too. "I have some errands to do."

"Kaya ka nagsinungaling sa Tita mo na pumasok ka?" Erika laugh.

"Shut up Erika." Iritang sambit ni Sarah.

Hindi ko alam kung nag aaway ba sila 'o ano. Nahinto naman agad sila sa pagbabangayan. Napalingon ako kay Angie sa likod at parehas na silang tulog ni Nico.

Picture PerfectWhere stories live. Discover now