Kabanata 33

285 11 2
                                    

A/N: Dedicated to sargado20. ☆

The future chapters will be...

Shawn's POV

Hagulgol ni Saint Xenon ang naging tinig sa bawat sulok ng aming isla. Walang nangahas ni isa sa amin ang lumapit at hagurin man lang ang likod niya dahil sa matatalim na tingin sa amin ng tatlong hari habang hawak ang isang puting papel.

Gustung gusto ko na siyang lapitan para madamayan ko ang kanyang kalungkutan ngunit isang pangungusap ni Mist ang nakapagpatigil sakin.

"Let her mourn."

Ang paabante kong paa ay bumalik sa dati nitong pwesto.

Nagulat kami ng biglang may lumutang na crest sa may taas ni Xenon at nagliwanag ang kulay nitong lila. Naagaw ng crest na iyon ang atensyon ni King Drei at makikita mo ang pagkagulat at pagkamangha nang bigla itong naging maitim na lila.

Pero sa kabila ng pagpapakita ng pagkamangha ng hari, walang pakundangan niyang inanunsyo ang mga kasali sa Cup. Samu't saring emosyon ang pumuno sa dibdib ko.

Galit.
Takot.
Awa.
Sakit.

Naikuyom ko nalang ang kamao ko.

"First member of Blood Lust Cup, Xenon."

Nagsimula ang bulung-bulungan sa paligid at ako nama'y nakinig nalang kahit sobrang sakit na ng mga sinasabi nila.

"Sabi ko sayo eh, kasali si Xenon."

"Mukhang hindi mananalo ang isla natin."

"Magiging pabigat 'yang si Xenon. Alam naman nating may sakit sa utak 'yan eh."

Tumikhin si King Drei dahil medyo lumalakas ang bulong ng mga tao.

"Followed by Shawn, Mist, Marry, Clay and Seven. Please come up on the allied platform. Thank you."

Nagsimulang magbago ang mga litratong nakadisplay sa allied board ng aming platform ni Xenon. Mga mukha na namin ang nandoon kasama ng mga bago na ngayon ko lang narinig ang mga pangalan.

"Tara na, Shawn." Yaya sakin ni Mist at hinila ang braso ko.

Nagpatianod ako sa paghila niya at ang sakit sakin na daanan lang si Xenon sa pwesto kung saan nakahiga sa lamesa ang kanyang mga kapatid. Hindi ko din mapigilan ang luha ko na pumatak ng ilang beses dahil sa sakit.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako malakas at wala akong kapangyarihan para maprotektahan si Xenon sa kapahamakan katulad ng pangako ko sa kanya pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.

"Blood Lust Cup training starts tonight. Members of the BLC will be departed at exactly 9pm, straight to the Center Island." Saad naman ni King Add. "Please, get ready. Training will last for 1 month only."

Napatingin ako kay Xenon na ngayon ay masama ang tingin sa mga hari. Bigla tuloy akong naalarma.

Nawala ang kulay na lila sa paligid niya at lumipat ang kulay na iyon sa kanyang mga mata.

"Mist," tawag ko sa kanya para tingnan kung anong nakikita ko.

Tumingin sakin si Mist at tiningnan niya rin si Xenon.

"God." Reaksyon niya.

Dali dali kaming bumaba para pigilan siya sa pagpunta sa plataporma ng mga hari ngunit hindi namin siya nahabol. Nagsinghapan naman ang mga tao nang kwelyuhan ni Xenon si King Ram.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Where stories live. Discover now