Kabanata 4

701 22 0
                                    

Nag-aayos na ako ng gamit dito sa silid na kung saan ay apat kaming magkakasama. Wala akong balak dumalo sa kasiyahang sinasabi nung hari dahil wala akong dapat ikasaya pero ang dalawa sa mga kasama ko dito ay aligaga na sa pag-aayos ng kanilang sarili para sa kasiyahan mamaya.

Isa-isa kong tinanggal ang mga laman ng bagpack ko at inaayos iyon sa maliit na cabinet na nandito sa gilid ng kama ko. Sementado ang bahay na napunta samin kaya medyo nakakahinga pa ako ng maluwag.

Sa paglalabas ko ng mga gamit, napadaing pa ako nang may maramdaman akong nahiwa sa isa sa mga daliri ko. Agad ko naman iyong tiningnan at sa kamalas malasan naman, napuruhan ang hintuturo ko. Sinipsip ko nalang iyon dahil baka maubusan pa ako ng dugo kung hahayaan ko nalang.

Apat na kutsilyo ang nakuha sa supermarket na...na pinagnakawan ko, tsk. Yung dalawa dito ay halatang pangkusina pa at yung dalawa ay medyo naastigan ako. Nilagay ko iyon sa gilid nitong kabinet gamit ang isang kamay ko kaso hindi ko na napigilan ang pagkahulog nung isa.

Napatigil sa excitement ang dalawang kasama ko na kanina pa bumubungisngis nang makita ang nahulog na kutsilyo. Napatingin na din ako sa kanila dahil para silang mga tutang natatakot na maging pulutan ng mga lasinggero. Tinanggal ko ang hintuturo ko sa bibig ko at sinubukan silang kausapin dahil naaawa naman ako kahit hindi ko naman ito sinasadya.

"Pasensya na. Nahulog lang." Sabi ko.

Dahan dahan silang tumango at nag-uunahan sila sa paglabas ng kwarto namin. Ilang segundo pa ang itinagal ng titig ko sa nakasaradong pintuan.

"Buti may dala kang ganyan?"

Napatingin pa ako kay buntot dahil sa tanong niya.

Hanggang dito ba naman ay nakabuntot siya? Tss.

"Hindi ko rin inaasahan na kukuha ako nito sa isang store dahil sa delubyo na nangyari sa lugar namin." Sagot ko.

Tinitigan ko siya para abangan ang kanyang reaksyon at nagulat pa talaga siya dahil sa pagsagot ko sa tanong niya. Maganda na siguro yung ganitong civil lang or what basta may kasama.

"G-Ganun din ang nangyari sa lugar namin pero bago magsimula yun, may isang drone na ang sumundo sakin."

"Buti ka pa." Sabi ko na may pagkainggit pa sa tono ko kaya ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa kong pagliligpit sa mga damit na mukhang ito nalang ay tapos na ako dito at maaari na akong matulog.

"Asan ang pamilya mo?" Tanong niya.

Napatigil pa ako sa pagyuko ko dito sa kama para sana ilagay sa ilalim ang bagpack ko at itong paper bag.

"Nahiwalay ako sa kanila pero sigurado naman ako na nasa ligtas na lugar na sila." Matabang na sagot ko kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung nasa ligtas na lugar ba sila o ano.

"Ako pala si Ellesmere. Ikaw, anong pangalan mo?"

( Ellesmere / el - les - mir / )

Umupo na ako sa kama at mataman siyang tinignan. Mukhang harmless naman siya at parang hindi makabasag pinggan kaya siguro okay lang na sabihin ko sa kanya ang pangalan ko diba? Diba?

"Uhm," teka nagdadalawang-isip pa ako.

Ngumiti siya at bahagyang itinaas ang kanyang kilay na parang hinihintay ang pagsabi ko sa pangalan ko.

Napabuntong hininga nalang ako. "Ceelon." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at nagulat pa siya sa ginawa ko pero agad naman siyang nakabawi kaya nakipagkamay na siya sakin.

( Ceelon / si - lon / )

"Hindi ko alam na sobrang pormal mo pala." Tumawa pa siya.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora