Kabanata 24

432 16 2
                                    

Nauwi ang kahibangan nitong lalaking pasasalamatan ko nasa sana habang buhay ako sa isang away na hindi  ko na lubos maisip. Isang pangyayaring dapat naisip ko na agad bago ako gumawa ng isang biglaang desisyon.

Nung hiniwa niya ang palad ko ay agad kong hinila ang kamay ko at mabilisang kumuha ng arrow sa likuran ko at ipinuwesto ko ang bow ko habang nakatutok sa ulo niya kahit isang ruler nalang ang layo nung talim ng pana sa mukha niya.

“Duel Match. Xenon vs. Vinci.” Dinig kong announced dito sa loob ng arena.

Nang marinig din iyon nitong lalaking nasa harap ko ay natawa siya at biglang nagbago ang talim ng pagkakatitig niya sakin.

“Kailangan kong mabuhay kaya kita ginagawang kakampi ko, pero kung paglalabanin lang din naman tayong dalawa, mas pabor ako kung papatayin mo nalang ang sarili mo, Xenon.” Mayabang na sabi niya sakin at ipinasok ang dalawang kamay niya sa mga bulsa ng pantalon niya.

Pinakawalan ko ang palaso sa kordo at hindi na ako nagulat ng maiwasan niya iyon. Kanina ko pa rin iniisip kung isa ba siyang diverse, may special abilities o isang recruit. Ngunit dahil sa liksi niya sa pag-iwas sa pana ko kanina, malamang ay hindi siya recruit.

Bakit ba kasi hindi pa niya ipakita sakin kung anong meron siya?

“Iniisip mo na ba ngayon kung anong type ako, Saint Xenon?” At tumawa pa siya. “Saint Xenon. Saint Xenon. Saint Xenon,” pag-uulit niya sa codename ko. “Napakasikat mo sa Camp 2 ah? Hindi mo ba nababalitaan?”

Pagkatapos niya akong tanungin ay nagsimula siyang maglakad lakad ng pabalik balik sa harapan ko habang nakatingin sa tubig at mabato batong lupa dito sa may bukal. Naglakad na rin siya papunta sa likuran ko ng ganoon ang pustura kaya naman naibaba ko nalang ang bow ko at nanghihinang nililingon siya kapag nararamdaman ko ang presensya niyang tumitigil sa likod ko na may isang metro ang layo.

Ilang segundo lang ay nagulat ako nang bigla siyang bumulong sa may likod ng tenga ko.

“You have such crest, huh?”

Kinilabutan ako sa ginawa niyang yun.

Ngayon ay alam ko na kung anong type siya. He has special abilities. Speed.

May trick siyang ginagawa ngayon sakin na kinaiinis ko. Mabilis siyang tumatakbo takbo paikot sakin at talagang hindi ko siya makita. Wala akong kakayahan at hindi ako sobrang galing kahit na may crest ako na matatapatan ko lahat katulad nalang ni Vinci.

“Ano na, Saint? Akala ko ba crimson crest holder ka?” He said, sounds like he’s trying to pissed me off.

Hindi pa rin siya tumigil sa kakaikot hanggang sa makaramdam ako ng hapdi sa may balikat ko. Napatingin ako doon at nakita kong may hiwa na ako at umaagos na ang dugo ko galing doon. Ilang beses akong nakaramdam ng mga hapdi sa katawan at kapag tinitingnan ko iyon ay may mga hiwa na ako.

“So this is your petty trick, Vinci?” Pagmamaliit na sabi ko sa kanya kahit medyo nanghihina na ako dahil mahahaba ang mga daplis ng kutsilyo niya sakin. I’ve got so many cuts on my body and my blood keep gushing down.

“Petty tricks you can’t even stop? Kaya ang daming namamatay na mahahalaga sayo dahil wala kang kwenta.” At narinig ko ang tawa niya. Nakaramdam pa ako ng hilo dahil sa walang hintong mabilis na takbo ni Vinci at nakakagawa siya ng isang nakakalulang image. “Gusto mo bang isali ko si Shawn, hm?”

Hindi pa man ako makarecover sa kaunting pagkahilo, narinig ko na ang bahagyang pagdaing ni Shawn sa hindi kalayuan at naulit pa iyon ng ilang beses. Narinig ko na din ang pagtawag sakin ni Shawn dahil siguro sa sakit na nararamdaman. Kapag hindi ko pa natapos ang duel na ito, baka makuhanan pang mawala ni Shawn. Baka makuhanan na niyang mamatay at hindi ko makakaya iyon.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن