Kabanata 8

543 23 0
                                    

Sigaw ko ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto namin nang bunutin ni Shawn ang palaso sa may balikat ko ng walang anesthesia, na alam ko namang wala nun dito sa isla. Pinapasok ko na nga dito si Shawn dahil ngayon ko lang din talaga naramdaman kung gaano ito kasakit.

Napatingin ako sa batang usa na mahimbing na ang tulog dito sa kama ko. Nag-aalalang tiningnan ni Shawn ang usa at nilagyan ng amoxicilin powder na nakuha ko sa store ang sugat niya. Nilagyan niya din ang akin pagkatapos malinis ang sugat ko.

"Sa tingin ko, pinag-iinitan kana ni King Ram ngayon, Xen." Then he sighed.

"Matagal na akong pinag-iinitan nun. May time pa ngang inasar ako nun sa armory at tinititigan habang kumakain tayo ng tanghalian."

Napinta ang gulat sa mukha ni Shawn nang bigla akong mag-open sa kanya. Nagtaas naman ako ng dalawang kilay dahil ang weird na ng mukha niya.

"That's the longest sentences you've said. Wow." Manghang sabi niya.

"What do you take me for, anyway?!" Medyo irita kong sabi. "What weird picture of me do you have in your brain?"

Humagalpak na siya ng tawa habang hawak pa ang tiyan niya. "Well, perfectionist ang tingin ko sayo na parang filtered lahat ng words mo bago lumabas sa bibig mo. Filtered din pati galaw at pagtrato sa iba."

I pouted. "I can't let my guard down."

"May trust issue ka ba kaya ka ganyan?" Usisa niya.

"Ewan. Siguro." Sagot ko sa kanya. "Pwede bang lumabas ka muna dahil magpapalit ako ng sando? Ginawa ko kasing pantali kanina eh."

"A-Ah oo, sige. Sige."

Tumayo naman agad siya at lumabas sabay sara sa pinto kaya agad na akong nagtanggal ng jacket dahil sarado din naman ang nag-iisang bintana dito sa kwarto. Naawa pa ako sa sando ko dahil halos yung sabitan nalang talaga ang matira. Kaso hindi ko na pinaghinayangan dahil para naman iyon dito sa usa.

Nang makapagpalit na ako at nakapagjacket na kahit hirap na hirap ako ay kumuha ako ng tinapay sa may maliit kong cabinet at binuksan yun. Siguro naman kumakain ng tinapay ang mga usa diba?

Naglatag na rin ako ng tubig sa may higaan ko para kung sakaling magising ang batang usa ay may maiinom siya. Pinatungan ko na rin ng karton para hindi mabasa ang kama ko. Sana lang ay huwag siyang dumumi dito dahil ako pa ata ang makakapatay sa kanya.

Biro lang.

Paglabas ko ay siya namang pagsalabong sakin ni Elle na pawis na pawis.

"May batang usa ako sa kama ko. Pakitingin na lang." Bilin ko.

Hinihingal pa siya nang tanguan niya ako kaya umalis na ako nang hindi siya inuusisa kung saan siya galing o kung anong ginawa niya. Nakakahiya naman.

"Hindi mo man lang tinanong kung saan galing yung kaibigan mo." Sabi pa ni Shawn.

"Hindi ko siya kaibigan."

"O eh ano?" Tanong ulit niya.

Nagkibit balikat ako. "Acquaintance?"

Naglakad lang kami ni Shawn at dinadama ang hangin dito sa Sentral. Napatingin pa ako sa platform kung saan nakalagay ang gintong trono na kaakit-akit at talagang mapapalingon ka sa itsura nito at kulay pula pa ang sa tingin ko ay malambot na sandalan at upuang parte nito.

"Balak kong sumali sa front line ng Island D, Xen." He said out of nowhere.

Napakunot ang noo ko at tumingin ako sa kanya. Inalis naman niya ang tingin niya sakin nang titigan ko na siya.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Where stories live. Discover now