Kabanata 5

631 27 0
                                    

Dumampot ako ng isang baril at inilagay ko ang hintuturo ko sa may trigger. Napangiti pa ako dahil pakiramdam ko ay ang galing galing ko na kahit ganun lang ang ginawa ko.

Binaba ko na iyon dahil may kabigatan at mukhang hindi ko rin naman magagamit sa pangangaso. Baka ako pa ang unang tumalsik kesa sa hayop na pupuntiryahin ko.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa lugar na ito at kita ko ang iba't ibang armas na ginagamit sa pangangaso. Iba't ibang uri ng sibat, kutsilyo, latigo, pana, revolvers, rifles and other firearms. Ngunit sa dinami rami ng armas na nakita ko, doon lang sa silver bow and arrows natuon ang pansin ko.

Linapitan ko iyon na parang akit na akit ako at hindi ko talaga tinantanan hanggang sa mahawakan ko na. Itinaas ko ang silver bow at pinagmasdan ito. Iba ito sa bow na ginagamit ko kapag may session ako sa isang archer club. Masyado itong makatotohanan at walang mga safety protectors. Its strip is made up of metal with a silver cord connecting the two ends.

Kumuha ako ng isang silver arrow at ipinosisyon ko ito sa bow. Medyo may kabigatan ang bow at may timbang din ang arrow. Hindi talaga ito katulad nung ginagamit ko.

Iminuwestra ko ang katawan ko at hinila ko ang cord. I put my force in the cord and the arrow end tip. I propeled it into my right side kaso pagkabaling ko pakanan, nagulat nalang ako nang may tao ng nakatayo doon at medyo nanlaki pa ang mata niya dahil nakarekta sa kanya ang panang hawak ko.

Bahagya pa akong napatunganga ng makita ko ang pagkrus ng dalawang kamay niya at bahagyang itinagilid ang kanyang ulo na para bang sinasabi sakin na 'anong ginagawa ko'. Napansin ko din ang isang korona sa ulo niya kaya halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkagulat kaya dali dali ko ng ibinaba ang panang hawak ko at manginig-nginig ko itong itinago sa likuran ko.

"You'll use that?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ko.

"Oo?" Pag-uulit niya sa sagot ko at bahagya pang tumawa na parang nainsulto siya sa sagot ko.

Ano bang tama? "Yes, your majesty." Bahagya pa akong yumukod para makuntento na siya kaso bigla nalang siyang humagalpak ng tawa.

Iniangat ko ang tingin ko sa kanya pero parang wala lang ang presensya ko dito dahil tawa pa rin siya ng tawa at nakapameywang pa siya. Napansin ko rin na may pumasok ng ibang sundalo dito sa loob para tingnan kung anong nangyayari pero tawa pa rin ng tawa ang haring nasa harap ko kaya naman gulat at pagtataka ang nakapinta sa mukha ng mga sundalo niya.

"Majesty. Majesty. Majesty." Sabi niya habang tumatawa pa rin.

Ano bang nakakatawa?

"Well," tumikhim siya na parang tama na yung tawa niya dahil mukhang nakabenteng tawa siya o higit pa. "Nandito ka para mag-ensayo kaya sige na, maaari ka ng umalis...your majesty." Bahagya siyang yumukod katulad ng ginawa ko kanina at tumawa na ulit ng tumawa.

Halos magsinghapan naman ang mga sundalo niya nang makitang yumukod siya sa harap ko.

Matalim kong tinitigan ang haring nasa harap ko dahil naiinis na ako sa kanya at sa inaasal niya. "Kung mali pala yung sinabi ko, sana itinama mo nalang kesa sa pagtawanan mo pa. Anong klaseng hari ka? Well," tumikhim katulad ng pagtikhim niya kanina. "Hari harian lang naman ito at pagkatapos ng kahibangan na ito ay uuwi na ako."

Sumeryoso ang mukha niya kaya lakas loob ko siyang tinalikuran at malalaking hakbang ang ginawa ko para makalabas na dito sa armory. Bitbit ko na naman sa balikat ko ang mga arrows at dala ko na rin naman itong bow kaya wala na akong dahilan para bumalik doon sa loob.

"Pesteng hari. Akala mo naman totoong hari." Bulong bulong ko sa hangin.

Nang makalayo na ako sa armory, natanaw ko na naman yung signs na nakatukod doon. Agad ko nalang binilisan ang mga hakbang ko para makita ang mga lugar doon kung saan ako pwedeng mag-ensayo.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Where stories live. Discover now