Kabanata 20

645 27 19
                                    

“Anong sabi mo? Anong sabi mo?” tanong ni Shawn sakin pagkatapos kong ikwento ang nagyari sa Camp 1 kanina dahil sa alok ni Queen Eura sakin.

Nilagok ko ang rum na nasa baso ko at sumubo ng ubas bago sagutin si Shawn. “Sabi ko, pag-iisipan ko.”

“Sorry, Saint Xen kung hindi ko nasabi na may kambal pala si Era.” Paumanhin ni Rust sakin.

Itinaas ko nalang ang kamay ko para malaman niya na ayos lang. Nagulat na ako eh, ano pa bang magagawa niya?

Halos pasukan pa nga ng mga lamok ang bunganga ko kanina sa sobrang dami ng surpresa na bumubulaga sa pagmumukha ko.

“Paano na 'yan? May nakakaalam ng iba. Si Queen Era pa talaga sa dinami rami ng tao dito.” Inis na sabi ni Shawn.

Hindi ko na kinwento sa kanila na niyaya rin ako ni Queen Era na maging ally niya.

“You sure yun lang ang nagyari kanina, Saint Xenon?” tanong sakin ni Rust na nakapagpatigil sakin sa pag-inom ng rum.

Marahas akong nagbuga ng hangin dahil alam kong malalaman din niya kung magsisinungaling ako. Ayoko namang biguin itong si Shawn na ngayon ay nakaabang na sa sasabihin ko.

“She asked me to be her ally.” Sagot ko.

Pagkagulat ang puminta sa mukha ni Shawn na hindi agad nakabawi kaya ibinaba ko ang baso ko at hinarap siya. “Don’t worry, I won’t accept her offer. Never.” I assured him.

Pinangalahatian naman niya ang baso niya at pagkatapos ay dineretso ulit iyong rum nang malagok na lahat.

“Promise.” Sabi ko pa pero tinanguan niya lang ako.

“Its okay, bro. Natural lang ang ganyan lalo na kapag nalaman mo na may crimson crest ang isang tao. Lahat gagawin para maging ally siya dahil kalevel niya ang mga may posisyon sa Oberon.” Sabi ni Rust at tinapik ang balikat ni Shawn. “Let’s just pray na sana ay hindi ipagkalat ni Queen Era na may crimson crest itong si Saint dahil paniguradong bibitayin ‘to ni King Ram.”

“Alright. Just help her, bro.” Sabi ni Shawn na nakapagpagaan ng dibdib ko.

At least ngayon, alam kong kampante na sa sagot ko si Shawn.

"You can make a barrier now. Hindi ko alam kung paano ituro ang equipped dahil wala akong ideya doon. Dalawang beses ko palang narinig yun dahil sa trahedya na ginawa ni Issei sa buong pamilya niya na naglabas ng mga daggers at ang malala pa doon, hindi ko nakita kung paano nangyari yun. Siguro ay mga elements na muna ang matutunan mo. Mga diverse type lang ang nakakagamit ng mga elements like water, air, fire, land, gravity and thunder. Lahat ng mga iyan ay kayang gawin ng may mga crimson crest." Mahabang sabi niya.

"Ang pangalawang tao na nakita ko na gumawa nun ay ang hari ng ng Center Island. Minsan ko ng nakitang naglabas ng maraming kutsilyo si King Drei at umiikot iyon mula sa likuran niya at hindi talaga nauubos kaya naman hindi man lang siya masugatan at walang makuhang puntos ang ibang mga taga isla. Malalakas din ang mga kasama niya kapag may Cup dahil si King Drei mismo ang nagtetrain sa kanila. No wonder why they always win. He can also use elements. Lahat yun ay alam na niyang gamitin. Nakakamangha, oo, pero napakadelikado noon. Nakakaburn yun ng physical, mental, emotional and spiritual energy kaya hindi ko mairerekomenda sayo na maging magaling ka sa lahat ng elementong iyon. Matutunan yun ay ayos lang."

"Kung may crimson crest din pala yung haring yun, diba ay pwede din siyang maging key sa Nirvana?" Tanong ko.

Ilang minuto ko na ring iniisip yun mula nung sabihin ni Rust na may crest din si King Drei. I'm just wondering if they tried to access Nirvana using that King.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Where stories live. Discover now