Kabanata 28

333 8 0
                                    

"Cheers for Xenon." Pangunguna ni Rust sa pagtaas ng kanyang wooden mug.

"Cheers!" Sigaw ng mga tao na nandito sa loob ng tavern.

Hindi ko maiangat ang baso ko kaya nakangiti nalang ako sa kanila ngayon habang bahagyang nakaikot ang upuan ko sa kanila at tanaw na tanaw ko na puno ng karne at prutas ang kani-kanilang lamesa.

Tubig lang ang akin ngayon at prutas para daw gumaling na ako at mabilis na maghilom ang aking mga sugat. Sinusubuan ako ng karne ni Shawn ng palihim kapag nakatalikod si Rust pero ayoko talaga yung amoy. Maarte ba ako o talagang iba ang amoy nung karne dito?

"Saint Xenon," tawag sakin ni Rust.

"Oh?"

"Anong naramdaman mo nung pinagpractice-an ka ni Shawn sa blue fire niya at tanggalin ang alaala mo?" Tanong niya at tumawa kaya natatapon tapon ang nilalagay niyang rum sa isang malaking container.

"Hindi ko siya pinagpractice-an! Alam mo ko na siyang gamitin!" Depensa ni Shawn.

Napangiti nalang ako.

"Ah, talaga? Kaya pala nung nawalan ka ng malay, bumalik din yung alaala niya." At humagalpak na ng tawa si Rust sabay bitaw sandali nung rum niya sa may counter.

Napapakamot nalang ako sa ulo ko para itago na kumikirot iyon. Bahagya ko ring pinipilig sa ibang direksyon ang ulo ko dahil biglang sumasama ang pakiramdam ko. Mukhang hindi pa nga ata ako magaling pero nandito ako at nakikipagsaya.

"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Rust nang mapansin ang pananahimik ko.

Hindi ako makakapagsinungaling sa kanya kaya umiling ako.

"Anong masakit sayo? Ha? Saan banda?" Nag-aalalang tanong naman sakin ni Shawn nung makitang umiling ako.

"Nahihilo ako ng konti pero kaya ko naman." Sabi ko. "Napapanuod niyo ba kami nung reaping?" Pag-iiba ko sa usapan namin.

"Oo, doon." Sabay turo ni Rust sa isang malawak na glass sa may pader nitong tavern. "Gusto mo bang ikwento ko sayo ang buong pangyayari nung reaping?" Tanong niya na nakakuha sa atensyon ko.

Pakiramdam ko kasi nung reaping ay sinasadya na talaga akong patayin. I mean, who would have thought na all of those sufferings ay sakin ibinato? Hindi ko alam kung sinadya ba o ano pero hirap na hirap ako sa reaping kumpara kina Mist at sa iba.

Hindi naman sa sinasabi ko na mas malakas ako kay Mist pero kung tititigan mo ang physique ni Mist, mas may chance ako na mauna sa goal. Hindi ko man alam kung recruit, diverse or may special abilities ba si Mist o ano pero ang laki talaga ng chance na dapat ay mauna ako, na dapat ay mauna kami ni Shawn lalo na't gamay na namin kahit papaano ang mga kakayahan na meron kami.

Kumatok sa may counter si Rust sa mismong harapan ko para marinig ang sagot ko sa tanong niya kanina.

"Ah, oo sige. Ikwento mo." Sagot ko kaagad.

"Tie Die ang category niyo at nasabi ko na naman 'yan bago kayo pumasok sa reaping," panimula niya habang nagpupunas ng mga mug na nakahilera dito sa counter na mga bagong hugas ni Renz. "Lahat ng participants sa reaping ay pinainom ng tonic para makatulog at maitali before magsimula. Literal talaga na Tie Die. They will tie you and its up to you if you will fight until you die." Tumalikod siya sandali para itaob ang mga napunasan nang mga mugs.

"Nung una rin sa opening remarks, akala ko talaga ay sinasadya ka ng patayin dahil sunud-sunod ang arrows na lumilipad sa direksyon mo, pero hindi." Umiling pa siya at nagsimula ulit magpunas ng mugs. "May mga wind type kang mga kasama at halos ay ayaw sayo kaya sayo itinututok. Si King Ram ang nagpapakawala ng mga sunud-sunod na pana sa ere at hindi niya alam kung saan ang direksyon ng mga iyon. Triple bow ang gamit niya kaya imposible talagang sadyain yun, plus the fact na medyo mahangin at medyo mukhang uulan noon dahil makulimlim ang langit."

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Where stories live. Discover now