Kabanata 30

529 16 20
                                    

Nagising ako na maaliwalas ang pakiramdam at kahit nahihilo ako ay pinilit kong umupo at tanawin ang loob nitong silid.

"Where are my siblings?" Tanong ko sa hangin.

Bumaba ako sa kama at napatingin pa ako sa mga balikat kong ngayon ay naghilom na pero dama ko pa rin ang sakit.

"What happened?"

May biglang pumasok dito sa kwarto at may dala dala siyang silver tray. "You awake, Miss? Have a seat, please." Sabi ng isang lalaking mukhang nurse.

"Anong nangyari?" Tanong ko pero ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Xenon! Xenon!"

"Shawn!" Sigaw ko pabalik nung marinig ko kaagad ang pamilyar na boses ni Shawn.

"Palagi ko nalang bang isisigaw sa public ang pangalan mo?! ANO NA NAMAN BANG NANGYARI SAYO?!"

Pinilit ko ang sarili ko na tumayo para pantayan ang tingin ni Shawn sakin.

"UMUPO KA LANG!" Sigaw niya pero dahan dahan niya akong iniupo sa kama. "Nawalan ka daw ng malay." Medyo kalmado na niyang sabi. "Nalaman ko nalang sa kakwarto ko na nagmamadali daw sa pagtakbo ang mga healers papunta dito sa gusali ni King Ram."

"Blood lost, Mr. Shawn." Sabi nung lalaking parang nurse habang inaayos sa may mini table yung mga kagamitan niya doon sa silver tray. "Inumin niyo po muna ito." Sabay niya sabag abot ng isang gamot na nakalagay sa isang small plastic cup at iniabot na din ang tubig.

"Salamat." Sabi ko at ininom na yung gamot.

Napapaisip pa ako kung saang isla kinukuha ang mga gamot. Sinong gumagawa at kung paano ginagawa? Masyado na kasing bago sakin kapag may mga ganitong bagay sa kagubatan naming isla.

Nagpaalam na yung lalaki at nginitian pa ako bago lumabas ng kwarto. Nakasunod lang din naman ang tingin ko sa kanya kahit sarado na yung pintuan.

"Tara na sa Sentral. Nandiyan na sina King Shin at King Add." Yaya ni Shawn sakin.

Tumango nalang ako at inayos na ang sarili ko bago lumabas kasama si Shawn. Mukhang pain reliever yung pinainom sakin nung lalaki kasi hindi ko na maramdaman ang kirot sa mga balikat ko at sa iba pang sugat sa katawan ko.

Nang makarating kami sa Sentral, nagbubulungan at nag-uusap ang mga tao na may mga seryosong mukha, animo'y may isang delubyo ang paparating na dapat paghandaan.

"Anong meron?" Tanong ko kay Shawn.

Ngunit hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Tuluy-tuloy lang ang lakad papunta sa platform namin at nanibago pa ako dahil nananahimik lamang si Jack sa pwesto niya.

Napatingin pa ako sandali sa blangkong upuan na nasa gilid niya. Naalala ko na kay Elle nga pala iyon. Nakita ko din sa Allied Board na burado na si Elle.

Bigla tuloy akong napahawak sa pilak na koronang nakapatong sa ulo ko.

"Saint Xenon, upo na." Sabi ni Shawn.

Napansin ko din ang matagal kong pagkakatayo doon kaya lakad-takbo akong pumunta sa may pwesto ko at umupo.

Napatingin pa ako sa kabilang platform kung saan abala sa pag-uusap sina King Shin, King Ram at King Add habang nakaupo sa kanilang ginintuang luklukan. Nasa likuran nila ang dalawang reyna na sina Queen Era at Queen Mied na seryoso din ang pinag-uusapan.

"Dapat ba may pag-usapan din tayo, Shawn?" Wala sa sariling tanong ko.

"Mukhang oo. Nasa listahan na nila ang mga sasali sa Blood Lust Cup. Ang dinig ko, humingi daw ng payo si King Ram kina King Shin at King Add pati sa mga teammates nila before sa pagpili sa mga miyembro na dapat isali ni King Ram sa papalapit na BLC 2045. Kailangan daw kasi talaga ng isla natin ang suplay." Mahabang sabi ni Shawn.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon