"Yes baby"

"Gabi pa diyan mama?" tanong ni  Akira.

"Hm 11 PM"

"Chef parehas po ba oras dito?" baling ni Akira kay Amira.

"No. Time's here is almost 5 AM, madilim pa sa labas pero sisikat na ang araw mamaya" tumango tango naman siya.

"Sleep ka na Mama, gabi pala diyan" sabi ni Kyara.  They're really sweet and caring too.

"Oh sige anak. Kayo rin ha? Sleep muna kayo, masyado pang maaga. Tatawag ulit si mama kapag may free time ako okay? Behave kayo ha"

"Opo! I love you Mama!" they said in chorus.

"I love you too babies" ni-kiss pa nila ako sa screen at ganon din ang ginawa ko.

"Patulugin ko nalang muna sila ulit" sabi ni Amira.

"Thank you Amira"

"My pleasure. Oh sige, magpahinga ka na diyan at bukas na yung competition" tumango tango ako.

"Goodnight" sabi ko.

"Good morning" she said. "take care okay? And enjoy your stay with your Beyb" pinanlakihan ko siya ng mata, tumawa nalang siya.

"Loka ka talaga. Bye bye na"

"Okay byeee" I ended the call.

Naglinis muna ako ng katawan bago humiga. At pagkalapat na pagkalapat ng likod ko sa malambot na kama ay nakatulog na agad ako.
***

NAGISING ako dahil sa sunod sunod na door bell ang narinig ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at alas tres palang ng umaga.

Sino namang mang-iistorbo sa tulog ng ganitong oras?! Argh seriously Beyb? Kasi sino ba namang mag dodorbell sa kwarto ko kundi siya lang naman. Alangan namang hotel staff, kitang 3 AM palang eh, it's too early para sa kung anong gagawin nila, wala namang problema sa kwarto, kung may problema man ang hotel like may sunog ganon edi sana alarm ang pinapatunog hindi doorbell. Kaya sigurado akong si Beyb 'to. Babatukan ko talaga itong lalaking 'to, istorbo.

Lumapit agad ako sa pinto nang inaantok at humihikab pa at hindi na tinignan yung tao sa peep hole. Agad kong pinihit ang door knob at nagulat ako dahil nagdere-deretso siya sa akin. Nasalo ko siya at nakahawak sa mga braso niya. Habang siya ay nakaangkala yung mga braso niya sa balikat ko. Ang bigat! Sa sobrang bilis ng nangyari ay hindi ko na nakita ang pagmumukha.

"What the heck!" Damn, muntik na kaming matumba sa sahig.

Bakit amoy alak?

"Anong kalokohan 'to Beyb? Why did you drink?!" pagalit kong tanong. Nakayakap pa rin ako sa kanya dahil lasing na lasing ata at matutumba kapag binitawan ko. His head was on my shoulder. Pero biglang nanlaki ang mata ko nang iba ang naamoy kong pabango. Kabisado ko na ang mabangong pabango ni Beyb at sigurado akong iba ito. This one's a manly scent that I'm very much familiar of kahit may halong amoy alak pa ito. One more thing is that hindi naman ganito katangkad at kalaki ang katawan ni Beyb. Ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon dahil nabibigatan ako. He's asleep damn it! Kaya lahat ng bigat ay nasa sa akin.

Ang bigat ugh! Hindi lang talaga batok ang matatanggap nito sa akin.

Lumapit ako sa kama at ipinahiga siya. That's when my heart stopped.

Who the heck is this man?

Hindi siya si Beyb! Oh my god! Sinasabi ko na nga ba. Bigla akong kinabahan. Damn it. I let a stranger came inside my room.

Nilapitan ko siya, pinatihaya at tinignan ng maigi ang mukha, I even fixed his hair na tumatakip sa noo niya.

Napaatras ako dahil kilala ko kung sinong lalaki ito. I suddenly couldn't breathe.

Mafia Boss 2: Owned By Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon