-26-

7.4K 267 80
                                    

"Ano bang pinaggagagawa mo? I told you to take good care of yourself!" Yasha hissed at Gretel at napasentido na lang. Katatapos lang ng check up nito at hindi siya natuwa sa naging result.


"I'm taking my meds---"


"That's not enough Gretel! I told you  hindi ka pwedeng ma-stress! Humina na ang kapit ng mga bata and you need to be more careful this time, anytime pwede kang makunan kapag hindi mo pa ginawa ang mga sinasabi ko!"


"I'm trying Mommy Yash, marami lang talagang problema."


"Gretel, buntis ka. Wala kang panahong mamroblema, all you need to do is take good care of yourself while enjoying your pregnancy."


"How could I enjoy my pregnancy kung may kaagaw naman kami sa atensyon ng asawa ko?"


Napabuntong hininga si Gretel as she looks at her sonogram. She's having twin girls. Both are healthy inside her.


"Dapat ngayon bumibili na kami ng mga gamit at inaayos ang magiging room nila. But my husband is still preoccupied, he's still busy buying medicines for Celina, and Celina is still using the room for my girls."


"You chose to hurt yourself just to support your husband, but Gretel, hindi lang ikaw ang nahihirapan at nasasaktan sa sitwasyon mo. Tatlo na kayo. If you chose to be selfless for yourself then atleast be selfish for your kids."


Gretel was just looking at her sonogram habang nasa loob siya ng kotse at nag-iisip ng malalim. Tama ang Mommy Yasha niya , she doesn't have the leisure to be selfless.


She caresseed her bump na hindi pa naman ganun kahalata.


It has been hard to talk to her husband lately. Parang lagi nitong iniiwasan ang topic tungkol kay Celina. He doesn't want them talking about her at halos lagi itong wala dahil may inaasikaso daw ito.


She drove home, her Mommy Yasha advised her to take a leave for a couple of weeks dahil hindi na maganda ang kalusugan niya.


Gusto sana niyang sabihin kay Andrius para samahan siya nitong magbakasyon but he's been too busy lately.


"Hindi mo kasama si Andrius?" Bungad ni Celina sa kanya pagkauwi niya.


"No." Tipid na sagot nito.


Celina clenched her jaw and walked towards Gretel gamit ang saklay nito.


"Bakit hindi na siya masyadong umuuwi? Pinapalayo mo ba siya sakin?! " She hissed.


"Grabe namang kapal ng pagmumukha yan Celina." Gretel sighed. She tried to dodge her but Celina grab her arm.


Ayaw na niya muna itong kaaway dahil ayaw na niyang ma-stress.


"Wag mo kong tinatalikuran!" Celina hissed as she grabs her arm.

His Lovely PossessionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant