Chapter 30

11.6K 219 6
                                    

Happy Reading 💕

Dumating ang hapon kaya hinanda na ni Ferlyn ang gagamitin nila sa Barbeque night na gaganapin sa bahay nila Noah. Alam niyang may inihanda na doon si Li ang asawa ni Noah pero nakakahiya paring kung wala silang dala.

Kahit pa kaibigan iyon ni Valdemeire. Kailan may ambag din sila sa gaganaping pagkikita. Nag usap-usap daw kasi ang mga magkakaibigan na doon lahat kakain ng hapunan kila Noah kaya kailangan madaming pagkain.

Mga patay gutom pa naman ang pupunta.

Napatawa nalang siya sa naisip. Dahil noong una niyang nakilala ng personal ang mga kaibigan ni Valdemeire ay inakala niyang mga seryoso pero ng magsimula na silang magsalita ay mah mga saltik pala.

Parang may mga kanya-kanyang mundo at parang mga bata kung mag kulitan at asaran. Kahit ang iba sa kanila ay may mga anak at asawa na.

Nang matapos siya sa paglalagay ng iihawing puset sa Tupperware ay agad din niyang sinunod ang minatamis na hipon at alimango.

Pinaligo at pinabihis na rin niya ang tatlo na halos buong araw na naglaro at nagkulitan. Kain lang ang pahinga ng mga ito at pagdaan ng ilang minuto ay ayan na naman.

“Mami..” tawag sa kanya ng anak.

“Yes. I'm here in the kitchen.”sagot niya dito.

Hindi na ito sumagot pero nakarinig siya ng mga yabag na papunta sa kusina. Wala pang isang minuto ang dumaan ay nasa harap niya na ang anak at pinapakita nito ang suot na damit.

It’s a  white polo shirt and a black pants with jordan shoes. Iyon ang suot nang anak niya habang may pagmamalaki itong nakatingin sa kanya.

“Wow. Ang guwapo naman ng anak ko. Bakit nakaganyan ka Rhett baby? Tatawid lang naman tayo sa kabilang kalsada bahay na ng tito Noah mo.”aniya sa anak.

Ngumuso ito sa kanya at cute na kumunot ang noo.

“Papa said that we need to be formal because we were meeting his friends. And he also told me that their something going to happened.”sagot ng anak niya kaya napailing-iling nalang siya.

Inayos niya nalang ang pagkakatupi ng polo shirt nito at sinuklayan ng maayos. Nang matapos ito ay bumalik ito sa dalawa sa taas at pinagyabang ang ginawa niya kaya makaraan ang ilang sandali ay pimunta rin sa kanya ang isa pang anak para magpaayos.

Natapos siya sa paghahanda at nagpasiyang umakyat para makaligo. Kailangan niya din mag ayos ng kaunti dahil nakakahiya naman sa mga kaibigan ni Valdemeire at sa mga anak niya na nakaayos.

Hindi rin naman siya nag tagal kaya nakaalis din sila agad. Napapangiti siya dahil pare-pareho ang suot ng mag-aama niya.

Si Rhett ay white polo shirt, si Ray naman ay naka white shirt din at ang papa ng mga ito na naka black polo shirt na pareho lang din ang design.

Para silang binag-biyak na bunga.

Siya naman ay tanging isang simpleng red off shoulder dress ang suot. Above the knee. Ayaw pa ni Valdemeire pumayag na iyon ang suotin niya dahil nakikita daw ang legs niya pero wala na itong nagawa ng nauna siyang lumabas ng bahay.

“Hi Ferlyn, you look beautiful.”Aniya ni Li nang makarating sila sa bahay ng mga ito. Sa kusina kasi agad siya pumunta para matulungan ito na sabi ni Noah ay nagluluto.

“Nako, hindi naman. Ikaw nga yun .”Natatawa niyang sagot dito. Its their third time to meet but they are comfortable with each other. Walang halong kaplastikan ang pakikitungo nito sa kanya.

Mabait din ito at maganda. Hindi imposibling hindi mainlove ang isang Noah Walker sa kagaya niya. They also look good together.

“Ano yang niluluto mo? Nagdala din ako ng kaunting baon namin.”aniya pa saka mas lumapit at naglagay ng apron.

Her Secret beyond Her Beautiful SmileWhere stories live. Discover now