Chapter 14

9.7K 178 23
                                    

☺Enjoy Reading☺ Happy B.day Tita Helen. Good bless you and MBTC☺😘

Chapter 14

Naghuhugas siya ng kanyang pinagkainan ng marinig ang doorbell. Siya lang mag isa dahil nagpaalam sa kanya si Valdemeire na aalis lang saglit.

“Ang bilis niya namang nakabalik.”aniya sa isip at nagmadaling tapusin ang hinuhugasan.

Patakbo pa siyang punta sa pinto para iyon ay buksan. “Ang bilis mo naman ata–“naputol ang kanyang sasabihin ng hindi si Val ang nakita.

Nanlamig siya sa nakita. Labis na kaba ang kanyang naramdaman ng mapagsino ang mga tao sa harap niya.

“Sila ang pinagkakautang ni tatay. Patay na.”

“Magandang umaga Mistika. Akala mo ba ay matatakasan mo kami?”nakakatakot ang awra nito habang nag sasalita.

Kilala niya ang lalaking may malaking tiyan dahil minsan na itong pumunta sa bahay nila noon para maningil.

“P–pano niyo nalaman kung nasaan ako? Bakit kayo naririto, nagbabayad naman ako linggo-linggo ah.”

Kinakabahan at natatakot na siya pero hindi niya iyon puweding ipakita sa mga ito. Dahil kung makikitaan siya nang mga ito ng kahinaan ay paniguradong gagamitin iyon laban sa kanya.

“Ipinapabigay ko kay Tiya ang hulog ko linggo-linggo. At nangako akong babayaran ko kayo hanggat kaya kung magbayad.” Matapang niyang saad sa limang lalaki sa labas ng habay ni Valdemeire.

Mas lalong dumagdag ang kaba sa kanyang dibdib. Ayaw niyang maabutan nito ang mga masasapang taong ito.

“Diyan ka nagkakamali Mistika. Ni sintimo ay walang ibinigay ang Tiyahin mo saamin. Ginasta niya ang perang ibinigay mo, pero huwag kang mag alala napabayad na namin siya. Ikaw nalang ang sisingilin namin ngayon.” Nakangiti ito ng parang pang demenyo. Ang lalaki ng katawan at tiyan pero hindi kayang mag trabaho ng matino.

“Anong ginawa niyo sa Tiyahin ko? Huwag niyo siyang sasaktan kung hindi–“

“Kung hindi ano? Wala kang magagawa laban sa amin Mistika. At bakit parang mabait kapa sa Tiyahin mong wala nang ginawang mabuti sayo? Masiyado kang mabait.” Anito at may ibinigay na envelop sa kanya.

“Ano to? Huwag niyong sasaktan si Tiya. Pangako magbabayad ako.” Nangungusap ang mga matang tumingin siya sa Leader ng mga lalaki.

Humihiling na makaramdam ito ng kahit kunting awa sa kanya ngunit bato ang puso nito.

“Basahin mo yan at tignan ang mga larawan ng mabuti. Bibigyan ka namin ng panahon  para makapagdesisyon. Hanggang bukas ng Alas nuwebe ay kailangang nakapag-isip kana ng sagot dahil kung hindi papatayin namin ang pinakaiportanting tao para sayo. I text mo nalang sa numerong nariyan sa papel ang sagot mo. Think wisely Mistika.”

Ngumiti pa ito sa kanya bago umalis kasama ng mga pangit na bodyguard. “Akala mo naman guwapo siya pag nakangiti. Ang pangit mo oy. Para kang unggoy na baboy.”

Nanghihina siyang napaupo sa sofa, hawak parin ang ibinigay ng lalaki. She was scared earlier but she don’t show up. She won’t give them right to see what she really felt. Hindi siya makakapayag na  idadamay ng mga ito ang nag-iisang taong nagparamdam sa kanya ng kaligayahan. Na puwede rin siyang ngumiti ng totoo at ipakita kung sino talaga ang isang Ferlyn.

Gagawin ni Ferlyn ang lahat hindi lang masaktan si Valdemeire kahit kapalit nun ay labis na sakit para sa kanya. She won’t give them right the to touch Valdemeire even the point of his hair. Kaya niyang lumayo sa lalaki para hindi ito madamay sa gulo niya.

Her Secret beyond Her Beautiful SmileWhere stories live. Discover now