Chapter 24

9.5K 195 6
                                    

Mabilis na napabangon si Ferlyn ng makitang nasa isang istrangherong silid siya. Napahawak siya sa ulo na may kunting kirot pa dahil sa hindi niya malamang dahilan.

“Nasaan ako?”Tanong niya sa sarili saka niya naalaala ang nangyari sa kanya.

“Mr.Antralde?” aniya sa lalaking nasa harapan.

Hinarang siya nito sa daanan nang matapos na ang kasal at nagpaalam lamang siya kay Hannon na mag aayos saglit.

“Sumama ka sakin” walang kaemosyong-emosyong sabi nito.

“Bakit ako sasama sayo? May kasama ako at iniintay niya na ako sa labas.” Sagot niya at nagpumilit na makadaan.

Pero bigo siya kasi agad nitong hinawakan ang kanyang kamay at hinila sa kung saan.

“Ano ba Antralde bitawan mo nga ako! Ano ba itong ginagawa mo?” galit niyang wika ngunit parang wala lang iyon sa lalaki.

Nagtatagis ang bagang nito habang siya ay hinihila papunta sa sasakyan nito. Nag pupumiglas siya sa hawak nito pero masyadong malakas ang lalaki para kayanin niya.

“Ano bang drama mo? Puwede ba may nag iintay sakin. Kailangan ko nang umuwi.”

“BAKIT AKO BA HINDI KITA KAILANGAN? BAKIT AKO BA HINDI KITA ININTAY?”sigaw nito sa kanya ng marating nila ang kinaruruonan ng sasakyan nito.

Hindi siya nakapagsalita dahil doon. Tumiklop ang dila niya sa sigaw ng lalaki na alam niyang galit sa kanya.

“Make him wait like I did. Make him fell like I did. And I want to tell you that I don’t care about him!”matigas na sabi pa nito sa kanya.

Binuksan nito ang pinto ng sasakyan para siya ay papasukin pero ayaw niya.

“Dito mo na sabihin lahat ng gusto mong sabihin. Sigawan mo ko, awayin mo ko, sabihin mo sa mukha ko yang galit mo!”sigaw niya din sa lalaking nakatingin nalang sa kanya.

“Tatanggapin ko pero sana pagkatapos nun payagan mo na akong makaalis dahil may nag iintay sakin.”

Ang mga anak ko! Siguradong mag aalala sila pag hindi ako makauwi.

“Madaling-madali ka talagang makasama siya? Ni hindi mo naisip na ilang taon akong nag intay. Para akong nag hahanap ng taong ayaw naman mag pahanap. Gabi-gabing pumupunta sa mga bar at nagbabakasakaling nandoon ka. Pero ngayon nag mamadali kang umalis kasi iniintay ka ng putang inang Moldes na iyon? Ha!”

Galit na galit nitong sabi kaya hindi ulit siya nakapagsalita. Tanging hikbi lamang ang naisagot niya sa lalaki.

Gusto niyang makausap ito para sa mga anak pero hindi niya aakalaing ganito ang unang araw ng pagkikita nila.

Alam niyang hindi niya ito masisisi kung may galit ito sa kanya pero masakit sa dibdib ang mga sinasabi nito. Kating-kati man ang bibig niyang isigaw dito ang dahilan ng pagmamadali niya pero pinigil niya ang sarili.

Hindi pa ito ang tamang oras! Ferlyn.

“Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo at humihingi ako ng kapatawaran para doon. Hindi man iyon sapat sa ginawa ko sayo pero—”

Hindi niya na naipagpatuloy ang sasabihin ng magsalita itong muli.

“Get in.”

Umiling-iling siya para sabihin dito ang gustong ipahiwatig na ayaw niyang sumakay dahil alam niya kung saan iyon hahatong pero mas tumalim lang ang tingin nito sa kanya.

“Sasakay ka o bubuhatin pa kita?”Ulit na sabi nito sa kanya na agad sinunod ng katawan niya.

Ayaw ng isip niya pero bumigay ang katawan at puso niya.

Her Secret beyond Her Beautiful SmileWhere stories live. Discover now