Super Duper Special Chapter

12.5K 108 14
                                    

Wala namang special ata dito eh, maliban sa mga facts and trivias na ishe-share ko sa inyo tungkol sa My Best Friend's Baby. Baka ma-bore ka lang.

TRIVIAS:

1. Ang kwento ng MBFB ay nagmula sa wild imagination ko, isang gabi bago ako matulog. Hanggang nung umaga na nagising ako, yun pa rin ang iniisip ko. Kaya hindi ko na kinaya ang pressure at pinost na ito sa internet.

2. Ang My Best Friend's Baby ay unang pinost sa Creative Corner ng Teentalk ng Candymag. Ang saya lang kasi color-coded dun.

3. Ang pangalan ni Skye ay derived sa Sky. Ang pangalan naman ni Autumn ay derived sa season na Autumn. Nung ginagawa ko pa lang yung mga characters nila, tumatak sa akin yung phrase na "Autumn Sky" kaya ayan tuloy.

4. Yung kila Calvin at Drea naman eh pinachambahan ko lang.

5. Yung pangalan ni Mikey na Michael James ay nagmula naman sa bassist ng My Chemical Romance na si Michael James "Mikey" Way.

6. Sobrang hina ng memory ko. Sa Chapter 7, Skye Fernandez at Calvin Chui ang mga pangalan nila Skye at Calvin tapos nung ending na, naging Skye Gonzales at Calvin Reyes. Amazing. Nakalimutan ko ang apilyedo ng mga characters ko. Hahaha.

7. Nakalimutan ko rin yung pangalan ng anak nina Skye at Autumn na si Mikey. Nung Chapter 16 ata, naging Caleb ang pangalan nya. Si Caleb eh yung pinakaunang character ko sa pinakaunang story ko. Hahaha. Nah, nakalimutan ko rin yun oh.

8. Binalak kong lagyan ng bed scene 'to kaso, paano ko naman yun magagawang effective eh parehong lasing sina Skye at Autumn? parang isang mabilisang proseso lang yung mangyayari nun. Kaya wag na lang.

9. Yung dun sa part na nakidnap si Mikey, dapat talaga makikidnap yun sya kaso tinamad na akong pahabain ang mga bagay-bagay kaya yun. Kunyari joke lang na nakidnap sya.

10. Maski ako, hindi ko alam kung nasaan na si Alissa pero ang huli kong balita, nagpaparetoke na naman sya ulit. Haha. Korni ko.

Ayan, yan ang mga trivias ng MBFB. Korni lang diba. Wala na akong maisip na iba eh, inaantok na ako. :)

My Best Friend's BabyWhere stories live. Discover now