Chapter 11

17.7K 293 20
                                    

CHAPTER 11

"Tito Skye!" Salubong sa akin ni Mikey nung binisita ko sila sa bahay nila Autumn.

"Mikey! Oh, eto oh, para sa iyo." Tapos inabot ko sa kanya yung toy robot ko na matagal kong iningatan. Napagdesisyunan ko na kasing ibigay na lang yun sa kanya, eh hindi ko na rin naman malalaro yun eh, di ba?

"WOW! Toy robot! Thanks tito!" Tapos tumakbo sya at nagsimula nang laruin iyon.

"Oh, dito ka na pala. Ikaw ha, nagpapalakas ka kay Mikey." Biglang lumabas si Autumn mula sa kusina nila.

"H-ha? Anong nagpapalakas? Hindi ah."

"Joke lang naman! Defensive masyado. Nagluluto pa ako eh. Wait lang. Upo ka lang dyan."

"Si Tita?" Tanong ko.

"Umalis si Mama eh, get together ng batch nila sa High school." Napa-oh na lang ako. Umupo ako sa couch nila habang dumiretso naman si Autumn sa kusina. Mmm. Naaamoy ko yung niluluto nya. Naengganyo ako kaya iniwan ko muna si Mikey at sumunod sa kusina.

"Hmm, ang bango ah!" Sabi ko nung lumapit ako kay Autumn. "At yung paborito ko pang Roast Beef! The best ka talaga Autumn."

"Naman! Ako pa?"

"At kelan ka naman natutong magluto? Ha?" Nagpout sya. Namula ako bigla, ang cute nya eh. Hay! Ano ba yan Skye! Tumigil ka! Best friend mo yan oh, best friend.

"Grabe ka naman! Marunong naman akong magluto ah! Syempre, inenhance ko no!"

"Joke lang rin! Wag ka na magalit. Siguradong masarap yang niluluto mo."

Inirapan nya lang ako at nagpatuloy sa pagluto. Sinawsaw ko yung daliri ko sa sauce na niluto nya kanina at tinikman. Wow! Kung noon eh masarap nang magluto etong si Autumn eh mas sumarap pa ngayon.

"Doon lang ako sa sala ha." Sabi ko sa kanya pero di nya ako pinansin.

Doon, nakita ko sa may coffee table nila yung pictures nina Autumn at Thea. Napasinghap ako. Naaalala ko na naman si Thea.

"Tito Skye?" Lumapit sa akin si Mikey. Kinarga ko sya.

"Oh, bakit Mikey??"

"Why are you staring at Tita Thea's picture?" Tanong nya. Karga ko pa rin sya at umupo ako sa sofa nila.

"You know Mikey, Tito Skye loves Tita Thea very much."

"Eh do you love my Mommy?" Natigilan ako.

Hindi ko noon inisip na magkakagusto ako kay Autumn. Hindi kasi kami compatible eh. At saka kapatid sya ng girlfriend ko diba, dagdag pang best friend ko sya kaya impusibleng magkagusto ako sa kanya.

"Uhh... of course I love your Mommy. She's my best friend diba?" Tumango lang si Mikey.

Best friend. Yun lang ba ang tingin ko kay Autumn o higit pa? May nagsasabi dito sa utak ko na hanggang best friend lang nga ang tingin ko sa kanya pero iba ang binubulong ng puso ko. Natutunan kong mahalin si Autumn pero ayokong aminin sa sarili ko. Oo nga, mahal ko sya pero hindi pwede. Mahirap ang sitwasyon namin. Mas lalo na ngayo't may anak na sya.

Hindi ko alam kung dapat bang pigilan ko itong nararamdaman ko o hahayaan ko lang na tumibay pa ang pagmamahal ko sa kanya.

Ano ba yan, ang bakla ko na masyado, para love lang dinadramahan ko pa. -_- Iba rin.

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon