Chapter 2

22.9K 350 12
                                    

CHAPTER 2

"Autumn! Kuya Skye! I'm so glad you came. Tara pasok kayo." Niyakap ako ni Andrea at hinalikan naman nya yung pisngi ni Autumn.

"Sorry medyo na-late kami. Ang bagal kasi ni Autumn eh."

"Okay lang yun Kuya."

"Happy birthday Drea!" Sabay abot ni Autumn ng regalo namin.

"Wow naman, may gift pa. Thank you!"

Sobrang dilim sa bahay nila. Alam nyo yung bar? Bar, na bar. Bar. Ugh. mahirap i-explain. Basta yung bar na kung saan nag-iinuman yung mga tao. Yung sosyaling bar. Hindi KTV bar. Ganun yung itsura ng buong bahay nina Andrea. Madilim tapos malakas yung tugtugan tapos nagsasayawan yung mga tao. Yung mga babae na kaibigan ni Drea kala mo kung makapagsayaw eh wala nang bukas.

Dire-diretso lang kaming naglakad hanggang sa kusina. Nandun kasi yung mga pagkain nila eh. Yes, malapit na kami sa katotohanan. Nagugutom na rin ako eh.

"Oh Kuya, Autumn, help yourself na lang ha? Kung may kailangan kayo, nasa sala lang ako. Sige. Salamat ulit ha?" Lumabas na sya ng kusina at feel at home kami ni Autumn habang kumakain. Nakataas pa yung paa nya. Ako naman eh naka-kamay.

"Mm! Fworp! Kworfb!" Anu raw? Wala talagang manners 'tong babaeng 'to.

"Ano?" Lumunok sya.

"Sabi ko ang sarap. Grabe."

Hindi ko na sya nasagot dahil sa sobrang gutom ko eh subo na lang ako nang subo. Parang mga baboy lang. HAHAHA!

Nang matapos kami sa pagkain, kinuha ni Autumn yung plato ko at nilagay na sa lababo. Ako naman eh kumuha ng tubig sa ref nila. Grabe, hindi naman masyadong mahilig yung pamilya nina Andrea sa alak. Ultimo pitsel nila eh bote ng alak.

Nilapag ko yung bote sa mesa tapos kumuha ng baso. Nalingat lang ako ng sandali eh nainom na pala ni Autumn yung tubig straight galing sa bote. Bastos talaga oh.

Pero nagulat ako nung bigla nyang binagsak sa mesa yung bote. Ay, hindi pala binagsak. Yung binaba nya yung bote pero may force. Tapos kakaiba yung facial expression nya.

"Oh, problema mo?" Tanong ko. Nakahawak sya sa lalamunan nya tapos nagsalita.

"Hindi... tubig!" Tapos tinuro nya yung bote. Anong pinagsasabi nitong hindi daw tubig?

Lumapit ako at kinuha yung bote. Inamoy ko.

"Adik ka ba? Eh gin 'to ah?!" Nakahawak na sya ngayon sa ulo nya. Baliw, masakit na siguro yung ulo nya.

Kumuha ako ng tubig at pinainom sa kanya. Nung naubos na nya yung tubig sa baso, nagsalita na ako.

"Baliw ka talaga. Bakit mo ininom yun?"

"Ako pa ang baliw? *ubo ubo* Eh ikaw kaya yung kumuha nun! Natural iinumin ko yun eh mukhang tubig kaya." Tss, kasalanan ko nga kung bakit nya nainom yun.

Nagsimula na syang maglakad palabas ng kusina pero pinigilan ko sya.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Hahanapin ko si Drea, ang sakit ng ulo ko eh."

"Sige, magsabi ka lang kung uuwi na tayo ha." Tumango lang sya at umalis na.

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon