Chapter 17

15.2K 258 5
                                    

CHAPTER 17

I rushed to the police station and found Calvin pacing back and forth. Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Dude I--" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil sinuntok ko sya nang ubod ng lakas. Inawat kami ng mga pulis pero nagsisisigaw na ako.

"Ano na namang nangyari? Bakit nawawala sya? I trusted you with my son!" Sigaw ko. Pilit akong pinatitigil ng mga pulis doon.

"Sir, wag po kayong maagulo kung ayaw niyong makulong." Yun ang nagpatigil sa akin. It took me a few minutes to calm down. I sat in front of Calvin.

"Dude, please. Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko. Kitang-kita ko sa mukha nya na natatakot din sya.

"Naglalakad kami papunta sa parking lot sa mall tapos may puting van na tumigil sa tabi namin. Bumukas yung pinto at hinila si Mikey." Umiling sya. "I tried to follow them pero nawala sila. Pero nakuha ko yung plate number nila."

Tumango ako. At least, magkakaroon na ng lead sa whereabouts ni Mikey.

"Sir, mabuti ho na umuwi muna kayo." Sabi nung isang pulis kay Calvin. Tumango naman ito sa kanya.

Pero bago nakaalis si Calvin, tinanong ko muna sya. "Alam na ba ito ni Autumn?" Tumingin sya sa akin at umiling.

"Hindi ko kayang sabihin..." Umiling sya at lumabas na.

WAAAH! Anong gagawin ko?! Maghihintay ako dito sa police station? Kelangang malaman na to ni Autumn. Pero ano naman kaya ang magiging reaksyon nya pag nalaman nya? Baka magalit syang lalo sa akin. Ah, shet. Ano ba.

"Sir, pwede po bang makitawag?" Tanong ko sa pulis sa may pinakamalapit na desk. Tumango naman sya at tinuro yung telepono sa table nya.

Habang dina-dial ko yung number ni Autumn, nanginginig ako. Kinakabahan talaga ako.

"Hello?" WAAH.

"Hello... Autumn?"

"Sino to?" Tanong nya. WAAAH! Anong sasabihin ko? WAAAA!

"Si Skye 'to..."

"Ah, Skye... Bakit napatawag ka? May nangyari ba?" Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Pawis na pawis din ang mga kamay ko, kamuntik na ngang dumulas yung telepono eh.

"Ano, Autumn, si Mikey kasi..."

"Bakit?"

"Na-Nawawala sya..."

"WHAT?!"

In a span of seven minutes and 43 seconds, nandito na agad si Autumn at bigla akong sinampal ng malakas.

"HOW COULD YOU SKYE?!" Sigaw ni Autumn sa akin. Nakatayo sya sa harapan ko, kitang-kita sa mga mata nya ang galit at pag-aaalala.

"WALA AKONG ALAM!"

"Whatever!" Sigaw nyang muli.

"Come on Autumn!"

"WHAT?!" She snapped. Ngayong ko lang uli nakitang ganito ka-praning si Autumn. Yung una eh nung na-rape si Thea at dumating sya sa ospital na galit na galit. Akala mo papatay ng tao.

"Listen to me." I said calmly. Nakatitig sya sa akin. Natatakot ako sa mga mata nya. Parang mangangain na sya ng tao.

"Shoot." Umupo sya sa katapat na upuan ko, sa may table ng pulis.

"Si Calvin ang huling kasama ni Mikey, okay? Pinaalam nya na mag-ba-bonding lang daw sila. Pumayag naman ako dahil alam kong hindi pababayaan ni Calvin ang anak natin." Nakatungong sabi ko. "Tinawagan nya ako, tapos sabi nya na nawawala nga daw si Mikey."

"Wala naman akong alam na kagalit ko eh. Or nakaalitan." Naluluhang sabi ni Autumn. Lumapit ako para icomfort sya. Akala ko iiwas sya pero niyakap nya ako ng mahigpit.

"Ako, may alam ako, kung sino ang pwedeng gumawa nito." Bulong ko sa kanya.

"Huh? Sino?" Napatingin sya sa akin.

"Si Alyssa, yung ex ko."

"Why would she do that?"

"Revenge, I guess."

Napakunot ang noo nya at bumitaw sya sa akin. "Skye, we can't accuse her without any proof." Paliwanag nya.

"Siguro, time na para mag-imbestiga." Sabi ko.

"Bakit, may nagawa na ba syang masama?"

"Uhh, wala naman. Pero whenever she's around, may nangyayaring hindi maganda sa mga tao sa paligid ko." Sabi ko at bumalik sa upuan ko. "Una, si Thea, and now, si Mikey."

"Drea knows a good investigator. Maybe she can help us."

My Best Friend's BabyWhere stories live. Discover now