Chapter 18

15.6K 271 17
                                    

A/N: Sorry. Late. Haha. Pwede niyo ako gerahin. Lakas maka-atake yung writer's block oh. Halos two weeks akong hindi makapagsulat nang maayos. Sorry naaa. :(( Anyways, enjoy reading! :D

----------------------------------------

CHAPTER 18

Halos sa presinto na kami natulog ni Autumn. Mag-aalas dos na ng madaling araw pero wala pa ring lead sa kinaroroonan ni Mikey. Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nasisiguro ang kaligtasan ng anak ko.

"Sir, Ma'am, kape ho muna kayo." Alok ng isang pulis at inabutan kami ni Autumn ng tig-isang tasa ng mainit na kape.

"Salamat ho." Sabi ko at tinanggap yung tasa. Humigop ako ng kaunti nang mainitan naman ang sikmura ko.

Tumingin ako sa dako ni Autumn. Tahimik lang sya sa isang tabi, mukhang malalim ang iniisip nya. Ang seryoso ng mukha nya.

Sabagay, maski ako, hindi ko makuhang maging masaya sa mga ganitong panahon. Ang hirap aliwin ang sarili.

"Sir, mas mabuti hong umuwi na muna kayo ni Ma'am..." Sabi nung isang pulis. "Magpahinga na lang po muna kayo sa inyo, tatawagan na lang po namin kayo kapag may lead na tayo sa kinaroroonan ng bata."

Umayos ako ng upo. "Officer, hindi ko ho kayang matulog ng mahimbing sa kama ko habang yung anak ko, hindi ko alam kung nakakain na ba o ligtas ba sya." Yun na lang ang nasabi ko.

Narinig kong parang may humahagikgik sa isang sulok. Napatingin ako ulit kay Autumn. Pulang-pula na sya at halatang nagpipigil ng tawa.

Anong problema nya? Hindi sya dapat na nagsasaya sa mga panahong ganito!

Medyo nag-iba ang mood ko nun. Napatayo ako at lumapit sa kinaroroonan ni Autumn.

"Anong problema mo?" Naiiritang tanong ko sa kanya. "Nawawala na si Mikey pero nakuha mo pang tumawa dyan?!"

"HAHAHA!" Tawa pa. "Nakakatawa kasi yung mukha mo... saka... Hahaha! Ayoko na! Di ko na kaya!"

"Anong di mo na kaya?" Napataas ang kilay ko.

Hindi sya sumagot. Biglang nagsilabasan ang maraming tao mula sa kung saan-saang lugar sa presinto. Tapos yung iba may dalang camera.

Tapos sumigaw sila ng sabay-sabay...

"YARI KA!"

Huh? Anong yari ako?

Ah fvck.

Yung TV show.

SHxT.

-------------------------

Grabe. Isang malaking joke lang pala yung pag-kidnap kay Mikey. Bwisit. Akala ko totoo na. Hindi ako tinigilan nun ni Autumn at Calvin. Mga bwisit na yun. Ang sarap pang-uumpugin ng mga ulo nila eh.

Tapos dumating yung Saturday ng gabi. Sumugod pa talaga silang lahat: sina Calvin, Autumn, Drea at Mikey. Lahat sila nagsipuntahan sa bahay namin para panoorin ang isang nakakahiyang episode ng YariKa.

Hiyang-hiya na ako nun habang nanonood. Bwisit lang. Tapos tawa pa sila nang tawa. Mga ungas. Nakasimangot lang ako sa isang gilid. Si Mikey nga pumapalakpak pa. Grabe din yung batang yun. Hay naku.

Pagdating nung lunes, lahat ng mga tao sa kumpanya, pag nakakasalubong ko, naririnig kong tinatawag ako tapos sasabihing "Yari Ka" at saka tatawa.

Shet. Pang-employee of the month ang kasikatan ko. Badtrip.

Alyssa suddenly withdrew the proposal. Ewan ko kung anong drama nya. Pero hindi ako natutuwa.

"Daddy..." Tawag ni Mikey sa akin. Nasa sala sya at naglalaro ng X-box ko. Ako naman, nasa kusina at naghahanda ng spaghetti.

"Po?"

"Hahatid mo po ba ako mamaya pauwi sa bahay?" Tanong nya.

"Oo naman. Bakit? Aalis ba ang Mommy mo? Dito ka lang ba?"

"Hindi po. Wala lang. Hatid niyo po ako ah?"

"Sige sige." Dala-dala ko yung plato na may lamang spaghetti at umupo sa sofa katabi ni Mikey. "Oh, bago ka maglaro ulit, kain ka muna." Sinubuan ko sya ng spag.

"Okay po Daddy." At mabilis naman nyang naubos yung Spaghetti. Nakakatuwa nga eh. Ang daming spaghetti sauce na napunta sa paligid ng bibig nya. Tumayo ako at pumunta sa kwarto para kumuha ng pamunas sa mukha ni Mikey.

Pagbalik ko, naka-Pause yung laro nya at nandun sya sa may telepono. May kausap pa yata sya.

"Yes Mommy..." Yun na lang ang narinig ko nung papalapit ako dahil ibinaba na nya yung telepono.

"Anak, sino yun?" Tanong ko at pinunasan yung bibig nya ng dahan-dahan.

"Si Mommy po. Uwi na daw po ako Daddy..." Sabi nya na medyo malungkot.

"Ah, sige, ihahatid na kita." Umakyat ulit ako sa kwarto at nagbihis. Kinuha ko yung susi ng sasakyan mula sa lalagyan. Si Mikey, pinauna ko na sa sasakyan habang sinasarado ko yung bahay namin.

Nakaupo sya sa front seat. Bukas ang bintana sa pintuan nya kaya habang nagb-byahe kami ay pumapasok ang sariwang hangin.

"Daddy... Love mo po si Mommy diba?" Tanong nya out of the blue. Ito talagang batang to, kung anu-ano ang natututunan.

"Ah... oo. Syempre."

"Pero love din po ni Tito Calvin si Mommy..." Malungkot ang tono ng boses nya.

"Ahh... ganun talaga anak."

"Sana po, love din kayo ni Mommy, para happy family na po tayo." Napangiti ako sa sinabi nya.

Sana nga eh. Sana mahal din ako ni Autumn. Pero hindi.

At masakit man, kailangan kong tanggapin na hanggang kaibigan na lang talaga ako para sa kanya.

My Best Friend's BabyWhere stories live. Discover now