Chapter 10

18.8K 317 13
                                    

CHAPTER 10

Nakakawala pala ng energy ang pagda-drama. Ayoko na ulit magsentimyento. Grabe. Pinatay ko na yung computer ko saka inayos na yung mga gamit ko. Lumabas na ako sa office ko at dinaanan si Calvin sa 3rd floor.

"Psst, tara na." Tawag ko kay Calvin nung sumilip ako sa pintuan ng opisina nya. Naku, nakikipaglandian pa sa secretary nya.

"Oo, andyan na." Lumabas na si Calvin. Sumakay kami ng elevator at bumaba na sa parking lot.

Hindi ko alam kung saan kami magkikita-kita kaya tinuro na lang ni Calvin yung daan papunta doon, kung saan man yun.

Sa wakas, narating na namin. Medyo may kalayuan rin, inabot kasi kami ng 30 minutes sa pagda-drive eh. Hindi nga matraffic nun.

"Dyan mo na lang ipark pre, para di mainit." Sabi nya.



"Yes boss."

"Oh, wala pa siya?" Tanong ni Calvin nung nakaupo na kami. Si Drea pa lang ang nandun eh.

"Wala pa eh. Pero malapit na rin siguro yun." Sinisilip-silip nya yung relo nya.

Biglang tumunog yung chimes sa pintuan nung tea shop na nagsisignal na may bagong dating. Napalingon kaming tatlo sa direksyon ng pinto.

Palapit sa amin si Autumn. Bakit ganun? Nung nakaraan ang ganda nya. Ngayon, mas maganda na sya? HAY! Ano bang pinag-i-i-isip mo Skye? Best friend mo yan, wag pagnasaan. Pero kasi ang ganda nya eh.

ARGH!!

Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid ko. Ang alam ko lang eh nakatitig lang ako kay Autumn.

"HUY! Oh, na-amaze ka naman sa kagandahan ni Autumn?" Sabay tulak sa akin ni Calvin kaya napabalik ako sa katotohanan.

Tumingin ako sa mesa. "Hindi ah. May naalala lang ako."

My Best Friend's BabyWhere stories live. Discover now