Chapter 4

19.9K 338 8
                                    

CHAPTER 4

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Tae, grabeng sakit ng ulo ko! Parang binibiyak na ewan. Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Naramdaman ko namang ang sama ng tyan ko. Para akong masusuka na ewan pero pinigil ko. Kelangang tibayan mo ang loob mo Skye. Nakakahiya naman dun sa babae kagabi. Tumingin ako sa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

WALA NA YUNG BABAE!

Saan naman nagpunta yun? Ni hindi ko nga naaninag kagabi yung mukha nya eh. Pero isa lang ang sinisigurado ko. May nangyari sa amin. Syempre, natandaan ko yung kagabi no. Pero sino nga kaya yun? Pero ayos rin sa trip si Calvin ha, babae talaga yung regalo sa kin. Birthday ko? Haha, oo. Ngayon nga pala ang birthday ko.

Dahan-dahan akong bumangon. Iniingatan kong hindi masyadong magalaw yung ulo ko. Sakit kaya! Kinuha ko yung mga damit sa sahig. Dumiretso na 'ko sa CR ng guest room nila at naligo.

Habang naliligo, may naisip ako. Oops! Bago kayo mag-isip ng kung anu-ano, ang iniisip ko eh kung nasaan si Autumn. Siguro naman nakauwi na yun. Siguro hinatid ni Calvin pero lasing kasi si Calvin at sigurado akong hindi sasama sa kanya si Autumn. Takot yun sa mga nagda-drive nang lasing. Baka kasi maaksidente raw at kung ano pa. Baka matulad sa Papa nya.

Namatay na ang Papa ni Autumn sa aksidente. Nabangga kasi sya ng lasing na driver. Mabuti na lang at nahuli yung lalaki pero nawala naman yung Papa nya.

Lumabas na ko ng shower. Grabe, parang nahihiya naman tuloy ako kay Andrea, kasi hindi na inosente yung guest room nila. Hahaha! Pero siguro marami na ring napagdaanang ganun yung kwarto.

Walang ingay akong lumabas ng bahay nila. Grabe ang gulo ng bahay nila, parang dinaanan ng sampung bagyo.

Sumakay na ko sa kotse ko at umuwi. Tumingin ako sa oras sa cellphone ko, maaga pa, tulog pa si Mama.

Nang makakain na ko, tinawagan ko si Autumn. Lagot ako, baka galitan ako ni Tita, sabi ko pa naman na ako ang bahala sa anak nya.

"H-hello?"

"Ui, Autumn, nakauwi ka na ba?"

"Ah, oo. Kagabi pa. Saan ka ba nagsususuot? Bakit nawala ka kagabi? Nagpahatid pa ko kay Drea pauwi."

"Sorry naman! Nagkayayaan nila Calvin eh. Hirap tumanggi." Sagot ko.

"Sez. Ano ba yan. Buti nga hindi nagalit si Mama eh! Sabi ko lang na may emergency kang pinuntahan."

"Aw, sorry lang."

"Haha! Sige sige, may gagawin pa ko eh, babay."

"Eh, teka teka, baka may gusto kang sabihin dyan?" Nagbabakasakali ako. Hindi pwedeng makalimutan nya ang birthday ko.

"Ah! Meron nga pala!" Naexcite naman ako bigla. "Samahan mo 'ko mamaya ha? Sige, babay na talaga." At binaba na nya yung telepono.

Asar, sya na nga lang ang inaasahan kong babati sa 'kin, hindi pa nya nagawa.

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon